Friday , November 15 2024

Presidentiables binobola ang OFWs; OWWA funds dapat busisiin at ipa-audit

KUNG tutuusin ay hindi lang mga dayuhang amo nila sa ibang bansa ang nang-aabuso sa mga kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs) kundi maging mga opisyal ng gobyerno at politiko sa ating bansa.

Lalo na tuwing may eleksiyon, ang mga kandidato ay biglang nag-aanyong tupa na puro malasakit sa kapakanan ng OFWs ang namumutawi sa bibig.

Pero ni isa sa mga kandidato ay wala man lamang nakaisip na magpaimbestiga at nagsabing ipa-audit ang pondo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) mula sa OFWs na umaalis para maghanap-buhay sa ibang bansa.

Hindi mabilang kung ilang beses nang nagamit sa katarantaduhan at sa pagwawaldas ang pondo ng OWWA.

Panahon pa ng rehimeng Marcos itinatag ang OWWA na noo’y Welfare Fund Administration at nagsimula ang pangongolekta ng kontribusyon sa OFWs bilang trust fund gaya ng SSS at GSIS.

Bawat umaalis na OFW ay kinakaltasan ng $25 membership fee ng OWWA kaya’t isipin na lang natin kung gaanong kalaking halaga na ang nalikom ng ahensiya mula nang simulan ang pangongolekta.

Napakaraming proyekto ang tinustusan ng OWWA funds na wala namang kaugnayan sa kapakanan at kinalaman sa interes ng OFWs.

Isa rin sa naging kontrobersiyal noong 2006 nang natuklasan sa ginawang hearing sa Senado hinggil sa Lebanon crisis na inilipat ang P6.8 bilyon pondo ng OWWA sa Development Bank of the Philippines at Landbank of the Philippines na wala namang kinahinatnan.

Inilipat din ang mahigit P530-M pondo ng OWWA sa PhilHealth, batay sa COA report noong 2016, na naging basehan sa kasong plunder na isinampa laban kay noo’y Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Wala nang nabalitaan kung umusad pa ang kaso.

Noong 2011 ay may COA report rin na nagsaad na nabigo ang OWWA officers na mag-remit ng mahigit P21-M sa koleksiyon ng OWWA Landbank-Manila dollar account sa nakalipas na sampung taon.

Kamakailan ay inaprubahan ng Palasyo ang pagsasanib ng Landbank at DBP pero walang kumibo, ni isa mang mambabatas at ni walang nagtanong kung ano na ang kapalaran ng pera ng OWWA sa nasabing dalawang banko.

Sa ginanap na presidential debate noong Linggo ay naging matingkad ang kawalan ng sinseridad ng mga presidentiable na intindihin ang kapakanan ng OFWs.

Pawang pambobola ang sinabi ng 5 presidential candidates para mauto at makuha ang boto ng mga OFW at kanilang pamilya.

Singapore gov’t pumalag sa pekeng suporta ng PM

MAGKAKAROON ng leksiyon ang mahilig umimbento ng mga kalokohan sa social media.

Ito’y sa sandaling ituloy ng Singapore government ang paghahain ng demanda laban sa nagpakalat ng pekeng Facebook post na nagsabing inendoso ng kanilang Prime Minister Lee Hsien Loong ang kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016 presidential race.

Nagpaplanong gumawa ng legal na hakbang ang Singapore government laban sa nasa likod nang mapanlinlang na FB post.

Mariing ipinahayag ng Singapore Embassy sa Maynila na walang iniendosong kandidato ang kanilang gobyerno at ang pagpapasya sa pagpili ng susunod nating pangulo ay nasa kamay lamang ng mga Filipino.

Sakaling ituloy ng Singapore government ang pagsasampa ng kaso, siguradong magsisilbing aral ito sa mga ginagawang hanapbuhay maging ang panlilinlang sa social media.

Kim Wong and company lusot sa $81-M ninakaw sa Bank of Bangladesh?

MARAMI ang nagtataka kung bakit tila nawawala na ang sigasig ng mga senador na tuklasin daw ang mga nagsabwatan para nakawin ang $81-M mula sa Bangladesh Bank at ipinasok sa RCBC Jupiter Branch.

Kung dati’y parang orchestra ang mga senador sa pagsasabing si Kim Wong ang utak sa pinakamalaking cyber bank robbery, parang nag-iba na ang ihip ng hangin.

Kulang na lang kasi ay ideklara ng mga senador na walang kinalaman si Wong samantalang isinauli niya ang ninakaw na pera bilang ebidensiyang sangkot siya sa krimen.

Kung sa ibang bansa nangyari ‘yan, siguradong ipinosas agad at isinadlak sa karsel si Wong.

Pagkatapos na raw ng halalan ipagpapatuloy ang Senate hearing sa isyu kaya ang duda ng ibang miron, maaaring napadpad sa campaign kitty ng ilang mambabatas ang kinulimbat na milyon-milyong dolyar sa Bangladesh.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *