Friday , November 15 2024

Environment friendly technology ipinakikilala ng Mapecon

 ITUTULOY ng Mapecon Green Charcoal Philippines, Inc. (MGCPI) ang programang pinaniniwalaan nilang hihikayat sa mga mamamayan na magkaroon ng interest na makipag-ugnayan sa publiko kaugnay sa pangangasiwa ng kapaligiran sa pamamagitan ng thematic program na idinesenyo rin para matugunan ang problema sa mga peste, waste at iba pang environment problems. Umaasa ang kompanya na makukuha nito ang suporta ng publiko.

Ito ang inihayag ni noted inventor Gonzalo Catan, Jr., MGCPI executive vice president, nagsabing ang programa ay nabuo kasunod ng mga resulta ng pagsasaliksik kaugnay sa malawakang populasyon ng waterlilies at pagtambak ng putik sa Laguna Lake at Pasig River. Ang waterlilies, ayon sa pagsasaliksik, ay maaaring i-convert sa alternative fuel habang ang putik ay maaaring gawing vermicast (organic fertilizer) sa pamamagitan ng patent ng kompanya na Green Charcoal technology.

Ang Green Charcoal technology, paliwanag ni Catan, ay iko-convert ang biowaste sa green charcoal sa porma ng pellets, firelog at briquette na environment friendly. Ito ay activated carbon na nabubuo mula sa coconut shell, coal at iba pang forest waste gamit ang Toyota Hi-Ace 4 K engine na tumatakbo sa 100% green charcoal hydrogen fuel, ang pinakamalinis na fuel, na alternatibo sa petroleum na nakasasama sa kapaligiran.

Ang activated carbon ay amorphous carbon na subject sa thermal treatment, kasama ng pag-oxidize ng gas at vapors o mixture ng bath (steam) para mapataas ng adsorptive properties. Ito ay kinasasangkutan ng steam activation sa 900 °C.

Ang programa ay tinaguriang “Modern Indigenous Proven Solutions” nakasaad sa position paper na iprinesenta sa DENR.

Ito ay kinasasangkutan ng pag-recycle ng waterli-lies mula sa Laguna Lake at putik mula sa Pasig river na magsisilbing model sa pagbuhay at paglilinis ng mga lawa sa pamamagitan ng organic vermicomposting gamit ang Green Charcoal technology alinsunod sa Article 1, Section 2C ng Republic Act 9003, ang Solid Waste Management Law.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *