Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aljur, muling binigyan ng trabaho ng GMA

SUWERTE pa rin iyang si Aljur Abrenica. Isipin ninyong matapos ang lahat ng nangyari, na idinemanda ang kanyang home network noon at sinasabing hindi niya nagustuhan ang ginawa sa kanya at sa kanyang career, binigyan pa rin siya ng pagkakataon. Ngayon may prime time series pa siya na katambal si Janine Gutierrez, iyong Once Again.

Aba kung sa ibang network iyan nangyari, malamang sa hindi mabalolang na siya hanggang matapos ang kanyang kontratang gusto niyang balewalain noon. Kung bigyan man siya ng trabaho, baka binigyan na lang siya ng maliliit na roles, after all saang project ba naman siya nakapagpakita ng milagro ng mataas na ratings noon.

Sa panahon ngayon, maraming artista ang kanilang network. Hindi natin maikakaila na nasa kanila ngayon ang sinasabing “pinakamalaking star” na si Alden Richards. Hindi lang sa rating sa telebisyon malakas si Alden, nananalo pa ng acting awards, meaning marunong talagang umarte. Bumenta rin naman nang husto ang CD kahit na nga sabihing hindi naman talaga siya singer. Aba eh kung ang iniisip lang ng network ay kumita talaga, wala na silang gagawing ibang star kundi si Alden na lang. Sigurado ang kita nila roon.

Pero kagaya nga ng sinabi ng GMA noong araw, nang makipagkasundo si Aljur matapos matauhan dahil wala namang ibang kumuha sa kanya noon, at kailangan niyang magtiyaga sa mga opening lang ng mga provincial supermarkets, ”we will give him the chance ‘Once Again’.”

Lahat ng tao nagkakamali, pero palagay namin ngayong muli siyang binigyan ng pagkakataon, dapat naman magpakatino na iyang si Aljur. Baka kung makagawa na naman siya ng hindi maganda, hindi na siya mabigyan ng isa pang chance once again.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …