Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, pinatutsadahan ni Robin (Sa mga artistang nagpapabayad para mag-endoso ng politiko)

“SI Duterte nga hindi tumatanggap eh, ako pa. Kaya mga kapatid kong artista, lumantad kayo, huwag kayong matakot. Ipakita ninyo ang libre ninyong suporta sa Inang bayan. Dahil kapag para sa bayan hindi ka dapat binabayaran!”

‘Yan ang patutsada ni Robin Padilla recently.

Hindi ba niya naisip na ang kanyang pamangking si Daniel Padilla ay napabalitang binayaran ng milyones para lang mag-endorse ng isang presidentiable.

Hanga kami sa unwavering support ni Robin sa isang presidentiable. Bilib na bilib kami sa kanya dahil talagang walang kapalit ang kanyang pag-e-endorse.

But we felt na hindi siya dapat nakikialam kung mayroon mang celebrities na gustong kumita sa pamamagitan ng pag-e-endorse ng politiko. Paano kung may magsabi sa kanya na bakit hindi niya pagsabihan ang pamangking si Daniel na sinasabing milyones ang ibinayad para lang sa pag-endoso sa isang presidentiable.

Ang dating ng statement ni Robin ay parang gusto niyang tumulad sa kanya ang mga celebrity. Of course, hindi naman puwede iyon. May celebrities na gustong kumita kaya sino siya para hikayatin ang mga ito na mag-endorse ng libre?

JC, matinding magmahal kay Bianca at sa alagang aso

HINDI alam ng marami na masuwerte si Bianca Gonzalez sa husband niyang siJC Intal.

Hindi kasi alam ng marami kung gaano magmahal ang Phoenix Fuel Masters player ng Philippine Basketball Association.

Bukod kay Bianca, matindi ring magmahal si JC ng aso.

Obvious na obvious ang kanyang concern sa mga aso nang makita namin ang kanyang Twitter account.

Aware that it’s so mainit now dahil summer, nagbigay siya ng ilang tips kung paano mapapanatiling safe ang mga alagang aso. He posted some photos ng mga asong nagpapalamig sa yelo.

“Just a friendly reminder. We all feel how hot it is. Let’s not forgot to tend to our pets’ needs also–cold water, fan, proper shelter.We all feel how hot it is.

“May it be a bucket of ice cubes, cold water, fan, proper shelter, to help them beat the heat,” tweet niya.

Marami tuloy ang humanga sa PBA player na ito.

Mystica, ieendoso na si Duterte

WHY are we not surprised na bagong kanta naman ang inaawit (figuratively) ni Mystica?

After her video rants, complete with pagmumura kay Rodrigo Duterte the past few days ay iba na ang tono ngayon ng novelty singer—she’s now apologetic.

Sa kanyang latest black and white video ay sinabi ni Mystica na naintindihan na kung bakit panay ang ura ni Duterte matapos mapanood ang isang video nito in black and white.

“‘Yung akala ko na walang Diyos, ‘yung akala ko na walanghiya, ‘yung akala na walang pagmamalasakit at walang puso, ngayon ko lang na-realize na mayroon palang puso,” say ni Mystica.

“Babawiin ko po kung ano ang nabitawan kong salita sa kanya,” say pa ni Mystica.

The singer was crying in the video habang nagso-sorry.

Naintindihan naman siya ng Duterte minions.

“We forgive you mistika….we all human…ang diyos nakakapagpatawad kami pa kaya na gusto nang katahimikan…salamat sayo…godbless”

“Nakita ko sincerity nya. Sabi nya— hindi pa huli ang lahat— meaning— tutulong sya para kay Duterte.”

“Sincere naman siyang nagsisisi!!!! patawarin nalang natin siya, para,sa Presidente natin!!! See you in LUNETA on May 7 !!!”

‘Yan ang comments ng mga tao kay Mystica.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …