Monday , December 23 2024

Sinusuhulan ni Erap ang DepEd?

NAKAAALARMA na ipagkatiwala ang edukasyon ng kabataan ngayon sa mga opisyal ng Department of Education (DepEd).

Wala na palang iginagalang na batas ang mga itinuturing na tagahubog ng kaisipan ng ating mga anak.

Noong Miyerkoles, ipinatawag ni ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap” Estrada ang mga public school teacher sa Maynila at bawat isa ay binigyan ng tablet computer at kaunting cash na pakimkim.

Alam naman sa buong mundo na si Erap ay incumbent mayor at kandidato bilang re-electionist sa Maynila kaya ang kanyang ginawa ay labag sa batas.

Malinaw na sinusuyo niya ang mga guro dahil sila ang gaganap bilang board of election inspectors, bukod pa, sila rin ay mga botante sa siyudad.

Noong nakalipas na Enero ay nalathala sa iba’t ibang pahayagan ang panayam kay DepEd Assistant Secretary Tonisito Umali na nagsabing hindi pinapayagan ang mga guro na dumalo sa anomang political events.

Hindi rin aniya dapat binibigyan ng mga politiko ng pagkain o regalo ang mga guro sa panahon ng eleksiyon.

“No, it’s not allowed. Under the Omnibus Election Code, there are sanctions for politicians who would compel teachers to go to political rallies. Teachers should remain at all times, apolitical. Politicians should not give our teachers gifts or even food, especially during the elections. It’s hard because they’re the ones who safeguard the credibility of our elections,” sabi ni Tonisito.

Naipalabas sa telebisyon ang pamumudmod ni Erap ng computer tablets sa mga guro at mismong media bureau chief niya sa Maynila ay inamin sa media na ginawa ito ni Erap.

Kung ganoon, malinaw na mismong tanggapan ng DepEd sa Maynila ay lumabag sa batas at sa sarili nilang patakaran.

Ang tanong, sino ang kumita nang limpak at magkano ang inihatag sa kanila ni Erap, habang barya lang ang iniabot para sa mga guro?

Dapat na ba asahang pikit-mata na lang ang mga guro sa magaganap na malawakang dayaan sa Maynila sa eleksiyon na naka-planong isagawa ng kampo ni Erap?

Nabahag ang buntot debate hindi sinipot

TALIWAS sa ipinagyayabang niyang pagiging “macho” raw ay bahag pala ang buntot ni Erap.

Hindi siya sumipot sa debate ng mayoralty candidates na ginanap sa University of the Philippines (UP-Manila) nitong Miyerkoles.

Tanging sina Mayor Alfredo Lim at Rep. Amado Bagatsing lang ang dumating.

Hindi kasi kayang sagutin ni Erap ang mga ipupukol sana sa kanyang mga isyu kaya mas minabuti niyang magsinungaling na hindi siya inimbita kahit isang buwan nang ipinadala sa kanya ang paanyaya.

Maging ang media bureau chief ni Erap ay kinompirma na imbitado sa debate ang amo niyang sentensiyadong mandarambong pero mas ginustong mamudmod ng computer tablet sa mga guro na tinipon sa San Andres Sports Complex sa Malate, kamakalawa.

Ang pag-amin ng media bureau chief ni Erap na si Diego Cagahastian na napalathala sa pahayagan ay bilang tugon upang bigyang katwiran ang hindi pagsipot ng kanyang amo sa “Thrilla in Manila Round 2” isang debate na inorganisa ng multi-sectoral group na naka-base sa Maynila.

Talagang ang magnanakaw ay kakambal ng sinungaling, at ang duwag naman ay nakatago sa likod ng nagtatapang-tapangan.

Pagiging magnanakaw sa dugo nananalaytay

NASA dugo kaya talaga ang pagiging magnanakaw ng angkan ni Erap?

Nagpiyansa kahapon si Sen. JV Ejercito sa kasong graft sa Sandiganbayan dahil ginamit niya ang mahigit P2 milyong calamity funds habang siya pa ang alkalde ng San Juan City para ipambili ng armas.

Gaya ng gasgas na alibi ng mga Estrada, nagawa pang sabihin ng mag-amang Erap at JV na politika lang raw ang kasong ito.

Paano magiging politika ang kaso na kompleto sa mga dokumentadong ebidensya?

Isa pa, paano siya popolitikahin at gigipitin ng administrasyong Aquino kung si Liberal Party standard bearer Mar Roxas ang inendosong presidential bet ng kanyang inang si San Juan City Mayor Guia Gomez sa San Juan City?

Wala na kaya sa ‘hulog’ si JV at kung ano-ano nang halusinasyon ang sinasabi matapos mabisto?

Binay inendoso ng mga Ampatuan

KUNG sa impiyerno kaya gaganapin ang presidential elections ay tiyak na ang panalo ni VP Jojo Binay?

Naisip iyan ng iba nating katoto dahil inendoso ng pamilya Ampatuan si VP Jojo Binay bilang kanilang manok sa 2016 presidential race.

Si Binay ay ipinangangalandakan na dati siyang human rights lawyer na lumaban sa diktadurang Marcos.

Matapos ang 30 taon ay tuwang-tuwa na siyang inendoso ang kanyang ambisyong maging presidente ng angkan ng human rights violator at political warlord clan.

Wala namang dapat ikagalak si Binay at siguradong talo na siya sa halalan dahil hindi naman sa impiyerno idaraos ang 2016 presidential elections.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *