Friday , November 15 2024

P1.6-B ang naiwang pondo ni Mayor Lim sa city hall bago bumaba noong 2013

HINDI bangkarote ang Maynila nang magtapos ang termino at bumaba sa puwesto si Mayor Alfredo Lim noong June 30, 2013.

Base ito sa dokumento na may petsang July 5, 2013 na pirmado ni Liberty Toledo, ang city treasurer na ang nagtalaga sa puwesto ay si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada.

Sa nilagdaang dokumento ni Toledo ay may halagang P805,034,207.44 milyon cash ang naiwan sa kaban ng Maynila nang bumaba si Mayor Lim sa City Hall.

Bukod sa nasabing halaga, pinatutunayan din sa pinirmahang dokumento ni Toledo na may P778,049,823.90 time deposit na naiwan si Mayor Lim na nakalagak naman sa tatlong magkakahiwalay na banko ng gobyerno – sa Development Bank of the Phils. (DBP), Land Bank of the Phils. (LBP) at Philippine National Bank (PNB).

Suma-total, maliwanag na ang kabuuang halaga na naiwan ni Mayor Lim sa kaban ng Maynila ay P1,583,084,031.34 bilyon nang magtapos ang kanyang termino noong June 30, 2013.

Ito ay dokumentado, kompara sa paninira at kasinungalingang inilako ni Erap na walang basehan kundi pawang salita niya lamang.

Kung talagang dinatnan niyang bangkarote ang Maynila ay saan kinuha ni Erap ang ipinasuweldo sa mga empleyado ng City Hall mula buwan ng Hunyo hanggang Disyembre noong 2013?

Ang tawag po riyan ay common sense, isang mahalagang bagay na kailangang taglay ng tao pero wala kay Erap.

Hindi kasi nabibili ang common sense sa alinmang tindahan.

Lim 3 ang vice mayor

BUKOD kay 1st Dist. Rep. Atong Asilo, dalawang vice mayoralty candidate sa Maynila ang sinasabing masigasig na kumakampanya upang makabalik si Mayor Alfredo Lim sa City Hall.

Ito ay sina 4th Dist. Rep. Trisha Bonoan at 5th Dist. Councilor Ali Atienza kahit si Asilo ang opisyal na katambal ni Mayor Lim.

Si Bonoan na magtatapos ang termino bilang congresswoman ay tumatakbo bilang independent.

Personal na ipinahayag ni Bonoan ang kanyang suporta kay Mayor Lim noon pang nakaraang taon.

Katunayan, pagkatapos ng kanilang paghaharap ay isa si Bonoan sa mga tagasuporta ni Mayor Lim na sumamang naglakad nang maghain ng certificate of candidacy sa tanggapan ng Comelec sa Aroceros.

Si Atienza naman ay balitang mas kursunadang si Mayor Lim ang manalong alkalde kaysa katambal niyang si Rep. Amado Bagatsing at sa dati nilang kaalyadong si Erap.   

Matatandaan na sina Bonoan, Atienza at Bagatsing ay magkakasamang sumuporta kay Erap noong 2013.

Kamakailan, magkasunod na inendoso ng tatay ni Ali na si dating mayor at Buhay party-list Rep. Lito Atienza at El Shaddai leader Bro. Mike Velarde ang kandidatura ni Mayor Lim sa Maynila.

Mapapansin na maraming nagsusulong ng tambalang Lim-Atienza sa ilang mga lugar sa Maynila sa labas ng 1st at 2nd Dist. na teritoryo para sa tambalang Lim-Asilo.

Lamang si Mayor Lim dahil Erap at Amado ay political dynasty

KUNG babasahin ang takbo ng politika sa Maynila, hindi lamang sina Bonoan at Atienza ang naghahangad na si Mayor Lim ang manalong alkalde ngayong 2016, kundi maging ang mayorya ng mga kaalyadong politiko ni Erap noong 2013 at kasalukuyang kasama niya sa partido.

Isa sa malaking dahilan ng mga politiko sa Maynila kung bakit si Mayor Lim at hindi sina Erap at Bagatsing ang dapat na maluklok sa City Hall – ito ay walang iba kundi ang political dynasty.

Malaking banta nga naman para sa mga tunay na Manileño na manatili pa si Erap dahil maliwanag na wala siyang balak na umalis sa Maynila kaya ang puwesto ay nanganganib na isasalin lamang sa miyembro ng kanyang mga pamilya kung sakali.

Sakaling alinman sa dalawang katunggali ni Mayor Lim ang maluklok, hindi na aalis sa puwesto.

Si Amado ay nagmula sa political dynasty na naitatag ng kanilang yumaong ama na si Ramon na taga-Sampaloc (4th Dist.).

Habang siya kandidatong alkalde, kasabay na pinatatakbo ni Amado bagitong anak na si Crystal para pumalit sa kanyang babakantehing puwesto bilang congresswoman sa 5th Dist.   

Ang kanyang pamangkin na si DJ Bagatsing ay kandidato rin sa babakantehing puwesto ni Bonoan sa Sampaloc (5th Dist). 

Samantala si Mayor Lim ay walang political dynasty na pagsasalinan ng kanyang trono. 

Tama po ba?!

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *