Monday , December 23 2024

Walang matinong kasama ang tambalang Erap-Honey

KUNG si ousted president at convicted plunderer lang siguro ang masusunod, tiyak na gusto niyang maging epidemya ang kawalanghiyaan at korupsiyon sa Filipinas para mahirapang kontrolin ng gobyerno.

Ito’y upang hindi magmukhang masama na nakasama sila ni dating Pang. Ferdinand Marcos sa 10 Most Corrupt Leaders in the World.

Kung may natuwa sa pagkatanghal sa Filipinas noong nakaraang taon bilang pinaka-corrupt na bansa sa buong mundo, batay sa New York Times survey, si Erap iyon.

Kaya nga lahat nang kanyang kapanalig ay tulad niya rin na mantsado ng katiwalian.

Hindi puwedeng magmalinis ang ka-tandem niyang si Honey Lacuna dahil mismong ang Ombudsman ay naniniwalang may P24-M ill-gotten wealth ang kanyang mga magulang.

Noong 2013 ay sinampahan ng kaso ng Ombudsman ang mag-asawang dating Vice Mayor Danny Lacuna at maybahay nitong si Melanie sa Sandiganbayan.

Kombinsido ang anti-graft body na illegal ang P24-M yaman ng mag-asawang Lacuna at hindi ito tugma sa kanilang kinita mula noong 1998-2004.

Magkano ba naman ang suweldo ni Danny bilang Vice Mayor at ni Melanie sa Philippine National Bank para lumobo ng P24-M ang yaman nila sa loob lamang ng anim na taon?

Hindi lang natin nabalitaan kung ano na ang progreso ng kaso at kung natuloy ang hirit na freeze order ng Ombudsman sa Sandiganbayan sa “nakaw na yaman” ng mga Lacuna.

Kabilang sa hindi maipaliwanag na yaman ng mga Lacuna ang bahay at lote sa Sampaloc, Manila na nagkakahalaga ng P7.2-M na nabili noong 1999.

Hindi kaya ang bahay na ito ang tirahan ni Honey Lacuna at ng kanyang esposong taga-Sampaloc na si Arnold Pangan, ang kasalukuyang hepe ng Department of Social Welfare sa Maynila (MDSW)?

Si Honey, na pinalitan ng asawang si Pangan bilang hepe ng MDSW, ay naging konsehala rin ng 4th District (Sampaloc).   

Habang si Pangan ay tumakbo subali’t natalong konsehal sa Sampaloc noong 2013.

Sabi nga ng isang miron, magugustuhan ba ni Erap na katambal si Honey kung ‘malinis’ ang angkan na pinagmulan nito?

Kambal na buwaya ang magnanakaw at sinungaling

WALANG pagsidlan ng kagalakan si Sen. Bongbong Marcos nang iendoso siya sa pagka-bise-presidente ni Erap at malaking karangalan pala sa kanya na manukin ng isang sentensiyadong mandarambong.

Tulad ng kanyang ama na kasama ni Erap sa 10 Most Corrupt Leader, walang kagatol-gatol din kung magsinungaling ang senador.

Kesyo pareho raw silang nagsusulong nang pagkakaisa sa bansa at kitang-kita pa raw na talagang makamasa at inuuna ni Erap ang mahihirap.

Susme, saan bang planeta nakatira si Bongbong at hindi niya alam kung gaano lalong naghirap ang mahihirap sa San Juan City at Maynila, pati na ang buong Filipinas, dahil sa bisyo ni Erap na mandambong?

Iniisip ba ni Bongbong porke’t nagkakampihan sila ni Erap at pinalalabas sa mga bayarang survey na nangunguna siya sa vice presidential race ay mabubura na sa kasaysayan ng bansa na ang kanyang tatay at si Erap ay parehong pinatalsik ng taong bayan dahil sa pagnanakaw at pag-aabuso sa kapangyarihan?

Para talagang kambal na buwaya na laging magkasama ang sinungaling at magnanakaw!

Dayaan sa Maynila sa selda ni Jinggoy sa Crame ikinakamada

BALITANG-BALITA sa Maynila ang direktiba ni Erap sa mga barangay chairman na magtungo sa selda ng kanyang anak na si Sen. Jinggoy Estrada sa Camp Crame para kubrahin ang kuwartang suhol niya para tiyakin ang panalo sa eleksiyon.

Sa kulungan daw ni Jinggoy pinaplantsa kung paano mandaraya ang kampo ng sentensiyadong mandarambong sa Maynila para hindi matunton ng awtoridad.

Wala talagang kahihiyan sa katawan ang angkang Estrada, ultimo kulungan na dapat ay rehabilitasyon sa kriminal ay ginagamit pa para gumawa ng panibagong krimen.

Ganyan din ang ginawa nila noong 2015 para sa kerida niyang si Guia kaya ngayon ay katunggali na nila ang dating kaalyadong mga Zamora sa San Juan City.

Ibig sabihin, walang ginawang aksiyon ang pamunuan ng PNP upang hindi na makapasok ang mga kampon ng mga Estrada sa selda ni Jinggoy para maglatag ng masamang plano sa halalan.

Gaano kaya kalakas ang kamandag ni Erap kay PNP Chief Director General Ricardo Marquez at DILG Secretary Mel Senen Sarmiento at pinababayaan lang silang bastusin ang pasilidad ng gobyerno?

Hindi naman tayo makapaniwalang may sikmurang itik itong sina Marquez at Sarmiento kaya’t ‘natitiis’ na maniobrahin sila ng angkan ng mandarambong.

Para sa anumang susa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *