Sunday , March 22 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot nagbigti sa selos (Dyowa dumalaw sa ex-BF)

NAGBIGTI ang isang 38-anyos lalaki nitong Linggo dahil sa matinding selos nang dalawin ng kanyang kinakasama ang dating kasintahan sa Pasay City Jail.

Kinilala ni Pasay City Police chief, Senior Supt. Joel Doria ang biktimang si Erwin Delfin, walang trabaho, ng 150 Road 4, Pildera2 ng siyudad.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Mario Golondrina, natagpuan ang nakabigting biktima ng kanyang 9-anyos pamangkin sa kanilang bahay dakong 6 p.m.

Bago ang insidente, nagtalo si Delfin at ang kanyang kinakasama nang bisitahin ng babae ang dating nobyo na nakakulong sa Pasay City Jail.

Sinasabing makaraan silang magtalo ay nagbantang magpapakamatay ang biktima ngunit hindi pinansin ng ginang.

Kamakalawa, natagpuan na lamang ng pamangkin ang biktima habang nakabigti sa kisame ng kanilang bahay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan spay castration Rabies Awareness Month

Bulacan PVO, pinangunahan ang nationwide spay at castration project ngayong Rabies Awareness Month

SA PAGDIRIWANG ng Rabies Awareness Month ngayong Marso, pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa …

Kamara, Congress, money

“Alagang Kongreso” arangkada na

ni Gerry Baldo INILUNSAD kahapon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang programang “Alagang Kongreso” na …

PISTON welga rally

PISTON KASADO SA WELGA NGAYON
Tanggal-buwis sa Langis, makatarungang rollback igigiit

ni TEDDY BRUL TULOY ang welga at kasado ngayong araw ang grupong Pagkakaisa ng mga …

Police line do not cross

Truck vs multicab, 2 todas

CAMP NAKAR, Lucena City — Dalawa ang patay at dalawang iba pa ang malubhang nasugatan …

Arrest Shabu

LGU official arestado sa P.1-M ilegal na droga

NADAKIP sa isinagawang joint anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) Camiguin Provincial Office …