Thursday , December 12 2024

Ang kahirapan sa ‘Laylayan ng Lipunan’ nakita ni Leni sa mga mangingisda at magsasaka

SA isang interbyu sa radio, sinabi ni congresswoman Leni Robredo, na nakita niya ang kahirapan sa ‘laylayan ng lipunan’ sa buhay ng mga magsasaka at mangingisda.

Ilang beses umano siyang sumakay sa habal-habal kahit noong buntis siya, dahil walang ibang means of transportation kundi ‘yun lamang.

Sumasakay siya sa habal-habal para makarating sa kanyang destinasyon sa malalayong probinsiya, kung saan niya nakita at nagkaroon ng realisasyon kung ano nang kahirapan sa ‘laylayan ng lipunan.’

Mayroon din daw pagkakataon na natutulog siya sa bangka ng mga mangingisda kasi wala silang ibang masisilungan. Pero kapag mamamalakaya na ang mga mangingisda, kahit ala-una pa lang ng madaling araw,  obligado silang gumising at humanap na ng pupuntahan. Kapag magsasaka naman daw ang pinupuntahan nila, natutulog sila sa mga kubong walang dingding sa gitna ng bukid.

Ganoon daw pala ang ibig sabihin ng kahirapan sa laylayan ng lipunan.

Siguro doon nakita ni vice presidential candidate Rep. Leni, na higit na mapalad siya na kahit buntis siya at natutulog sa bangka o kubong walang bubong sa loob ng apat na araw, ay mayroong mahihirap na kababayan na nasa ganoong kalagayan sa mahabang panahon ng kanilang buhay.

Doon din siguro nagkaroon ng realisasyon si Congw. Leni na kung nakayanan niyang makapagtapos ng abogasiya, marami tayong mga kababayan sa malalayong probinsiya na hindi man lang naipasisilip sa mga anak nila kahit na ang bubungan ng mga paaralan.

At kapag may nagkakasakit, hindi pipiliting maitakbo sa ospital hangga’t hindi dumaraing ng sobrang sakit o kaya ay ‘yung tipong hindi na makahinga ang pasyente.

Na-realize din siguro ni Madam Leni na mapalad ang kanyang mga anak dahil nakapag-aaral sa mga pretihiyosong paaralan kompara sa mga anak ng mga mangingisda at magsasaka na kanyang napupuntahan sa mga lugar na sinasabi niya nasa laylayan ng lipunan.

Mapalad si Madam Leni na nagkaroon siya ng mga ganyang realisasyon na siguro ay nagagamit niya sa pakikipag-usap sa ating mga kababayan.

Sana ay maging salalayan ni Madam Leni ang mga karanasan na ‘yan sa paglilingkod sa sambayanan.

Kung hindi man nawawala sa kanyang isip ang habal-habal, pagtulog sa bangka at kubong walang dingding, sana ay hindi rin mawala sa kanyang isipan na mayroon  tayong mga kababayan na ganoon ang kalagayan sa habambuhay.

Ano man ang kanyang masungkit na posisyon, nawa’y hindi magbago si Ma’am Lenis a pagkalinga sa mahihirap na kababayan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *