Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bradley tatalunin si PacMan

NANINIWALA ang kampo ni Tim Bradley na hindi ang dating Manny Pacquiao ang makakaharap niya sa April 9 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Ayon mismo kay  Bradley, tiyak na makakapekto sa mental toughness ni Pacquiao ang “gay issue” na kinakaharap nito, maging ang posibleng epekto ng kanyang kandidatura sa pagka-senador na pinaniniwalaang apektado sa kontrobersiya sa naging pahayag niya laban sa mga bading, na nagresulta ng pag-atras ng Nike sa kontrata  na iniindorso niya.

Pero ayon na rin mismo kay head coach Freddie Roach at assistant coach Buboy Fernandez, nasa right track ang itinatakbo ng training ni Pacman. Wala silang nakikitang anumang senyales ng “distraksiyon.”

Matatandaang natalo si Pacquiao kay Bradley sa una nilang sapakan na itinuturing na pinakakontrobersiyal sa kasaysayan ng boksing.   At sa rematch ay ipinakita ni Pacman na nadaya lang siya sa naging desisyon sa una nilang pagtatapat at nagrehistro siya ng unanimous decision.

Ngayon, sa ikatlo nilang paghaharap ay naniniwala si Bradley na tatalunin niya ang Pambansang Kamao na walang magiging kakambal na kontrobersiya.

Sa bagong trainer ni Bradley na si Teddy Atlas, naroon ang oportunidad para ma-upset si Pacman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …