Friday , November 15 2024

Guingona Law ipatupad (Danyos sa 75,730 biktima ng martial law madaliin)

HINIMOK kahapon ni Senador Teofisto Guigona III ng Human Rights Victims Claims Board, apurahin ang pagproseso sa kabayaran ng danyos sa libo-libong biktima ng karahasan at pagmamalupit noong panahon ng batas militar.

Itinaon ng senador ang paghimok sa anibersaryo ng Edsa People Power Revolution ngayon kasabay ng kanyang pakikiisa sa pag-alaala sa ipinamalas na pagkakaisa at kagitingan ng mamamayan para makamit ang kalayaan noong 1986.

“Kontribusyon ko para sa mga nagsakripisyo at biktima ng batas militar ang pagtiyak ng buohan at kasiya-siyang pagpapatupad ng Republic Act 10368 na nag-aatas na sila’y kilanlin at pagkalooban ng kabayaran sa danyos na kanilang dinanas noong panahon ng batas militar,” pahayag ni Sen. Guingona.

Ang Guingona Law, o ang Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013, isa sa mga ‘markadong’ panukala ng senador na naisabatas, ay pagkilala ng estado sa buhay at sakripisyo ng mga biktima ng paglabag sa mga karapatang pantao  noong panahon ng martial law.

Sa bisa ng nasabing batas, opisyal na pinasimulan ng gobyerno ang pagproseso at pagbayad sa tinawag na reparation claims ng mga biktima o kamag-anak, at ang halagang matatanggap ay tugma sa bigat ng karahasan na kanilang dinanas.

Noong Mayo 30, 2015, may kabuuang 75,730 biktima, o kamag-anak nila, ang nag-file ng reparation claims sa HRVCB, pero mahigit 11,071 lamang ang natapos maproseso at naaprubahan ng board na kuwalipikado sa danyos.

Sinabi ni Guingona, kailangang madaliin ng claims board ang pagsasaayos ng lahat ng mga papeles at dokumento ng mga aplikante para sa danyos bago ang Mayo 12, 2016 na takdang panahon para sa dalawang taon na trabahong itinakda sa ilalim ng RA 10368.

Gayonman, nilinaw ng senador na sakaling hindi matapos ng HRVCB ang kanilang trabaho pagdating ng Mayo 12 ngayon taon, may nakasalang na ang dalawang kapulungan ng Kongreso na aprubadong panukala sa ikatlo at huling pagbasa na maibibigay pa ng karagdagang dalawang taon para palawigin ang gawain ng claims board.

May P10 bilyon ang inaasahang paghahati-hatian ng 75,730 biktima ng batas militar kung sakaling silang lahat ay mapatunayang karapat-dapat sa reparation pay.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *