Monday , April 28 2025

PNoy biggest loan addict?

PUMALAG ang Palasyo sa bansag kay Pangulong Benigno Aquino III bilang “biggest loan addict” o pinakasugapa sa pangungutang sa mga naging presidente ng Filipinas mula noong 1986.

Inihayag kamakalawa ng Freedom form Debt Coalition (FDC) na mag-iiwan si Pangulong Aquino sa kanyang successor ng P6.4-trilyon o katumbas ng $134.46 bilyon na outstanding debt ng gobyerno.

Sa panahon lang anila ni Aquino ay umabot sa P4.16 trilyon o $87.39 bilyon ang inutang ng kanyang administrasyon.

Inihayag pa ng FDC, kung paghahatian ang P6.4-trilyon, may utang na halagang P62,235.26 o 1,307.37 dollars  ang bawat Filipino.

Ayon kay ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Undersecretary Manuel Quezon III, hindi makatwiran na husgahan agad si Pangulong Aquino na “biggest loan addict” dahil normal lang ang pangungutang na bahagi nang pamamahala, tulad din sa pribadong sektor.

“Ang isang malaking pangyayari sa ilalim ng Daang Matuwid ay unang-una pagreretiro ng lumang utang lalo na yung mga utang na nasa dollar denominated loans. At dahil sa fiscal management ng ating pamahalaan, dito pumapasok ang benepisyo ng mga credit ratings. So dapat maging malinaw sa ating lahat ay ang pangungutang ay bahagi ng pamamahala, bahagi din ito ng pribadong sektor pagdating sa kanilang mga layunin,” diin ni Quezon.

Katwiran ni Quezon, ang mga pondong inutang ng pamahalaang Aquino ay napunta sa mahahalagang programa gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Habang idenepensa ng opisyal ang implementasyon ng 4P’s na aniya malaki ang naitulong para mawala na ang siklo ng kahirapan sa bansa.

“Let me object to the use of the word dole-out. Ang dole out is what for example traditional politicians do, mamimigay ka, walang kondisyon. Siguro kung may kondisyon man lang utang na loob para suportahan ka but walang epekto ito sa totoong problema,” ani Quezon.

About Rose Novenario

Check Also

Vote Buying

Isko Moreno, pinagpapaliwanag ng Comelec sa pagbili ng mga boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) si mayoral bet Isko Moreno kaugnay ng vote-buying o …

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *