Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Utos ng Palasyo sa DoH: Zika virus tutukan

PINATUTUKAN ng Palasyo sa Department of  Health (DOH) ang posibleng pagpasok sa bansa ng Zika virus na nakakaapekto sa Latin America.

Ito’y dahil nababahala na ang World Health Organization (WHO) sa pinakabagong impormasyon na posibleng maisalin nang tao-sa-tao ang Zika virus sa pakikipag-sex o pakikipagtalik.

“Masinsing tinututukan ng Department of Health ang Zika virus alinsunod sa mga tagubilin ng WHO upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Ang Zika virus ay isang uri ng mosquito-borne virus na nagiging dahilan ng pagliit ng ulo at utak ng isang sanggol o microcephaly sa Latin America.

Napaulat kamakalawa na naitala sa Dallas, Texas, USA ang kaso ng Zika virus transmission na pinaniniwalaang nahawa sa pakikipagtalik at hindi nagmula sa kagat ng lamok.

Magugunitang ideneklara ng WHO na global health emergency ang Zika virus para maisagawa ang mas malawak na pagmo-monitor at pag-aaral sa pagkalat nito sa ibang panig ng mundo.

Pinoys sa US inalerto ng Ph Embassy vs Zika Virus

NAGBABALA ang Philippine Embassy sa Washington sa mga Filipino sa Estados Unidos na maging maingat sa posibleng paglaganap ng Zika virus.

Ayon sa abiso ng embahada, kailangang maging maalam ang Filipino-American community tungkol sa peligrong hatid ng Zika.

Kabilang dito ang pag-aaral sa sanhi, sintomas, paraan kung papaano makahahawa ang isang taong infected, preventive measures at maging ang nakompirmang mga kaso tungkol sa virus.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …