Wednesday , December 11 2024

Senate Reporter maniniktik na rin?

Senate ReporterHETO pa ang isang ‘peke.’

Hindi natin maintindihan kung pekeng reporter, pekeng vendor o pekeng spy agent ang isang ‘tao’ ba ‘to?!

Isang kaanak natin na nagtatrabaho sa tanggapan ng isang mambabatas, ang tinitiktikan ng isang nagpapakilalang ‘journalist’ cum vendor cum spy agent.

Mantakin ninyo, itanong ba naman sa MRO (media relations officer) ng mambabatas kung totoo ba raw na nag-resign na ‘yung kaanak natin sa kanilang opisina?!

At nang malaman na wala na roon ‘yung kaanak natin ‘e sabay side comments na, “Kaya pala lumipat na ng susuportahang bise presidente si Jerry.”

Muntik malaglag ang inyong lingkod sa kinauupuan sa inis at katatawa nang ikuwento ito sa atin no’ng taga-opisina ng mambabatas.

Nag-SPY na rin lang ang nagpapakilalang ‘journalist’ ‘e hindi pa ginalingan. Hindi man lang niya ‘hinalukay’ kung gaano kalalim ang pinagsamahan namin no’ng mambabatas pero hindi namin ikinakapital sa aming pagkakaibigan ang aming mga posisyon at propesyon.

Katunayan, isa sa mga dahilan ng pagre-resign ng ating kaanak ay ayaw naming makompromiso ang aming pagkakaibigan.

Ang pag-eempleyo ng ating kaanak sa tanggapan ng mambabatas ay ekstensiyon ng kanyang practicum at para maranasan din niya ang pagtatrabaho sa kagayang opisina but not for long term.

Dahil ang hilig talaga ng kaanak natin ay magnegosyo.

Alam kaya ng opisina nitong nagpapakilalang journalist cum vendor cum spy, na kapag nasa ‘beat’ siya ay nagbebenta ng kung ano-ano.

Inuuna pa ang pagbebenta ng kung ano-ano kaysa mag-cover sa kanyang beat.

Hindi kaya ahente at nagbebenta rin ‘yan ng ‘news for sale?’

Malamang! ‘E tumatrabaho nga rin na SPY AGENT!

Hoy nagpapakilalang journalist ang dugyot mo, maligo ka naman minsan para magkaroon ka ng kredibilidad!

‘Yung gawain ninyo ‘e ‘wag ninyo ibinabato sa akin! Bakit ba sobra ang inggit at insecurities mo!?

Move on Blackie!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *