Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa China, sex doll ginawang pa-bonus sa mga empleyado

020416 sex doll
HINDI masisisi kung bakit masigasig sa kanilang trabaho ang mga trabahador sa China. Lumilitaw na may ibang dahilan dito bukod sa pagiging masipag makaraang baguhin ng isang employer ang ibi-nibigay na annual bonus para sa kanila ngayong taon.

Sa nakaraan, karamihan sa kanyang mga binatang kawani ay tumatanggap ng cash bonus, na para sa iba’y katumbas ng anim na beses ng kanilang buwanang suweldo.

Nagdesisyon si Wang Yuzhu, chief-executive-officer ng Lianlian, na magtakda ng mas innovative approach sa pagbibi-gay ng pabuya, imbes pera ay namahagi siya ng mga sex doll sa kalagitnaan ng kanilang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Batay sa mga imaheng kumakalat sa Weibo, Twitter at WeChat, mayroon din namang iba na hindi ganito ang naging bonus dahil yaong mga may asawang empleyado ay hindi tumanggap ng adult toys bilang bonus.

Sa halip nito’y binigyan sila ng iba’t ibang mga items, mula sa mga t-shirt, hot sauce, hamon at beach sandals hanggang mga dehumidifier.

Habang ang pamamahagi ng mga sex doll ay maituturing na kakaiba, lalo pang naging pambihira ang pagdiriwang nang sapilitang iniutos na ipakita sa kanyang mga kawani kung paano hihipan ang mga bonus na plastik.

Hiniling sa dalawang lalaki at isang babae na tumindig sa harapan at saka pinaihip ang mga manika. At mas minalas pa ang isa pang lalaki na pina-demonstrate ang paggamit sa isang sex doll sa harapan ng kanyang mga kasamahang trabahador.

Hindi lang din naman ito ang pinakakakaibang bonus na ibinigay sa China. Nitong nakaraang taon, ibinigay bilang bonus ng kompanyang Qihoo360 para sa mga lalaking empleyado ang isang gabi na kasama ang Japanese porn star na si Julia Kyoka.

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …

SM Holiday Job Fair

SM Holiday Job Fair + Upskilling Draw Hundreds at SM MOA

The SM Holiday Job Fair + Skills e-Hub officially opens at the SM Mall of …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …