Sunday , December 22 2024

Palasyo hugas-kamay sa ‘pinatay’ na FOI

HUGAS-KAMAY ang Palasyo sa pagkabigong lumusot sa Kongreso ng Freedom of Information (FOI) at anti-political dynasty bills, parehong kasama sa ipinangako ni Pangulong Benigno Aquino III noong 2010 presidential elections.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ginawa ng administrasyong Aquino ang lahat para maisabatas ang FOI at anti-dynasty bills ngunit ang aksiyon ng mga mambabatas na hindi ito ipasa ay base sa sentimyento ng kanilang constituents.

“The administration has done its part in pushing for the enactment of priority legislation such as the FOI and anti-dynasty bills.  As representatives of national and local constituencies, our legislators’ actions are based on their appreciation of their constituents’ sentiments,” ani Coloma.

Iginiit ni Coloma na suportado pa rin ng administrasyong Aquino ang mga prinsipyo ng FOI at ang pangangailangan ng isang enabling law para maipatupad ang probisyon na anti-political dynasty sa Saligang Batas.

“We affirm our support for the principles of FOI and the need for an enabling law to implement the constitutional provision regarding political dynasties,” ani Coloma.

Tiwala aniya ang Palasyo na ang suporta ng taong bayan sa mga nasabing prinsipyo ay ihahayag nila sa tamang pagpili ng mga kandidato sa darating na halalan.

“We trust that our people will reflect their support for these principles when they cast their votes in the next elections,” sabi pa ni Coloma.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *