ANG crystals ay ginagamit sa feng shui sa iba’t ibang pamamaraan, ang lahat ay para sa iisang layunin, ang makabuo ng good feng shui energy para sa tahanan. Ang salitang crystal ay mula sa Greek word krystallos, ang ibig sabihin ay frozen light.
Ang crystals ay ilang siglo nang ginagamit para sa maraming layunin, bilang lunas hanggang sa proteksiyon at dekorasyon.
Sa feng shui, ang crystals ay malawakang ginagamit para sa specific energy, o sa vibrations na idinudulot nito sa tahanan o opisina.
Halimbawa, ang rose quartz crystal ay ginagamit para makahikayat ng love and romance, gayondin upang malunasan ang pusong sugatan.
Feng shui wise, ang rose quartz crystals ay nagdudulot ng specific frequencies na nagsusulong ng paghilom ng puso. Ang black tourmaline at hematite ay mayroong malakas na protective energies, habang ang citrine ay nakatutulong sa paglunas ng self-esteem issues, gayondin para magkahikayat ng yaman at kasaganaan.
ni Lady Choi