Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vin, ‘di raw totoong nai-insecure kay Mark

051915 Mark Neumann Vin Abrenica
PINABULAANAN ni Vin Abrenica na nai-insecure siya kay Mark Neumann na mas maraming projects kaysa kanya.

Sey ni Vin parang nakababatang kapatid ang tingin niya kay Mark. Minsan nga ay tumatawag pa si Mark sa kanya para magtanong kung ano ang maganda at bagay sa isusuot niya.

Nagtawanan tuloy nang biruin si Vin ng press na siya pala ang stylist ni Mark.

Dagdag pa ni Vin kahit sa paggigitara ay tinuturuan niya si Mark.

Nagkakaroon ng rivalry ang dalawa dahil pareho silang produkto ng Artista Academy.

Anyway, si Vin ang bida sa isang episode ng Wattpad Presents TV Movie ng TV5 entitled Mysterious Guy at the Coffee Shop. Katambal niya rito si Yassi Pressman. Ito ang susunod na episode ng Wattpad’ pagkatapos ng Avah  Maldita sa February 6 na tampok sina Ella Cruz, Donnalyn Bartolome, at Akihiro Blanco.

Mapapanod naman si Neumann bilang leading man ni Shy Carlos sa bagong serye ng TV 5 na Tasya Fantasya na magsisimula rin sa February 6.

( Roldan Castro )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …