Sunday , December 22 2024

P10,000 bonus sa DSWD employee — PNoy

INIANUNSYO ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang tig-P10,000 anniversary bonus para sa lahat ng kawani (contractual & regular) at mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ginawa ito ng Pangulong Aquino sa kanyang talumpati sa ika-65 anibersaryo ng DSWD na ginanap sa Palasyo ng Malacañang.

Sa speech ng Pangulong Aquino, todo-papuri siya sa mga kawani at pamunuan ng ahensiya sa walang kapaguran at mahusay na pagtupad sa kanilang tungkulin lalo na sa panahon ng bagyong Yolanda at iba pang kalamidad na nanalasa sa bansa.

Ayon kay Pangulong Aquino, kahanga-hanga ang bukas palad na pag-aalay ng sarili para sa kapwa ng mga tauhan ng DSWD at sila raw ang tunay na mukha ng malasakit ng pamahalaan.

Kahit wala na raw siya sa puwesto, umaasa si Pangulong Aquino na ipagpapatuloy nila ang kanilang trabaho sa pagdating ng mga kalamidad at hindi panghinaan ng loob bagkus ay maging sandigan ng lakas ng mga mamamayan lalo ang mga mahihirap at mahihina sa lipunan.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *