Thursday , December 26 2024

Maagang pamomolitika ng PAGCOR researcher: Kandidato ikinampanya?

00 Kalampag percyKINASTIGO kaya ni Chairman Cristino “Bong” Naguiat, Jr., ang lantarang pamomolitika ng isa niyang empleyado sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)?

Posible kasing makasuhan sa Commission on Elections (COMELEC) si PHILIP JOHN GRECIA, researcher sa corporate planning department ng PAGCOR, ng paglabag sa batas tungkol sa election.

Nitong nakaraang Biyernes (January 29), nalathala sa Philippine Daily Inquirer ang pahayag ni Grecia sa pagtitipon ng mga Mason na si Manila 5th District Rep. Amado Bagatsing ang naanyayahan nilang bisita at tagapagsalita.

Sa nalathalang panayam sa kanya, ipinahayag ni Grecia na siya raw ay personal na hindi kontento sa dati at kasalukuyang administrasyon sa Maynila.

Naturingan pa namang researcher ang trabaho niya sa PAGCOR pero hindi muna sinaliksik ni Grecia ang mga batas na nagbabawal sa sinomang naglilingkod sa anomang sangay ng gobyerno na makialam at lumahok sa anomang uri ng “PARTISAN POLITICS” o pamomolitika, “DIRECTLY or INDIRECTLY” maliban sa pagboto.

Kasong administrabo at posibleng masibak sa trabaho si Grecia kapag nakasuhan ng paglabag sa Section 55, Chapter 7, Title I, Book V of the Administrative Code of 1987:

“No officer or employee in the Civil Service including members of the Armed Forces, shall engage directly or indirectly in any partisan political activity or take part in any election except to vote nor shall he use his official authority or influence to coerce the political activity of any other person or body.”

Nakasaad din sa Omnibus Election Code na ang sinomang taga-gobyerno na sumali sa anomang aktibidad na may kinalaman sa politika, maliban sa pagboto, ay GUILTY sa election offense o electioneering.

Sa Section 2(1), Article IX-B ng 1987 Constitution, ang serbisyo-publiko ay mga naglilingkod sa lahat ng “branches, subdivisions, instrumentalities, and agencies of the Government, including GOVERNMENT-OWNED OR CONTROLLED CORPORATIONS with original charters.”

Hindi ba saklaw ng mga batas kaugnay sa electioneering si Grecia dahil isang government-owned and controlled corporation ang PAGCOR?

Si Bagatsing na malayong pumapangalawa lamang sa nangungunang kandidato na si Manila Mayor Alfredo Lim, at malayong pangatlo si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Ejercito Estrada.

Kapansin-pansin na sa tuwing magtatapos ang termino ni Bagtsing sa Kongreso at malapit na siyang mawalan ng trabaho ay kumakandidato siyang alkalde sa Maynila.

Katunayan, dalawang beses na siyang tumakbo at natalo bilang mayoralty candidate sa Maynila.

Hindi mahalaga kung bagsak ang rating ng suportadong kandidato ni Grecia na si Ba-gatsing sa mga survey at pampagulo lang sa eleksiyon sa Maynila.

Ang importante, dapat paganahin ng COMELEC ang Rule of Law laban sa mga tulad ni Grecia na lumalabag sa batas.

May historical sense kaya ang NHCP, NCCA?

IPINATIGIL ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa lokal na pamahalaan ng Bayambang, Pangasinan ang paggiba sa Gabaldon Building sa Bayambang Central School dahil ito’y mahalagang cultural landmark.

Ang gusali ay nakatayo sa 3.2 ektaryang campus na ipinagpalit sa 2.2 ektaryang lote ng isang negosyante sa naturang lugar.

Bakit naaalarma ang NHCP sa kapalaran ng Gabaldon Bldg. pero tikom naman ang bibig sa pagpapagiba ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada sa PNB Bldg sa Escolta at sa Army and Navy Club sa Roxas Blvd sa Maynila?

Bakit kaya pinayagan ng NHCP na ipa-demolish ni Erap ang Army and Navy Club Bldg gayong idineklara nila itong national historical landmark noong 1991?

Paanong nangyari na hindi kinuwestiyon ni NHCP Chair Maria Serena Diokno ang pagpapaupa ng administrasyon ni Erap sa Army and Navy Club sa Oceanville Hotel and Spa Corp., at ipina-sublease pa sa Vanderwood Management Corp., para maging casino?

Maging ang mga naglalakihang puno ay walang habas na pinagpuputol at pinahintulutan pa ng DENR.

Ang papel kaya ng NHCP sa preservation ng national heritage ay may pinipili?

Bulag din ba ang DENR sa panggagahasa sa kalikasan sa Maynila?

Hindi ba nila kayang pairalin ang mga batas para parusahan ang isang sentensiyadong mandarambong na wala ni katiting na pagmamalasakit sa pamana ng kasaysayan at kalikasan?

Ano naman ang sey n’yo diyan sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA)?

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *