ANG coins na ginagamit bilang feng shui money cures ay bilog na Chinese coins na may square hole sa gitna.
Ito ay maaaring bilhin sa China Town o sa maraming online feng shui retailers. Ang coins na ito ay replica ng sinaunang Chinese coins, na yari sa bronze o brass at mula sa two finishes: weathered, antique look o shiny gold surface.
Ang bawat Chinese coin ay may two sides na may specific meaning. Ang isang side ay may four characters at ikinokonsiderang Yang/active side, at ang kabilang side ay may two characters at nasa Yin/receptive side.
Tradisyonal na ang Chinese coins sa iba’t ibang feng shui money cures ay inilalapag na ang Yang side ang nasa ibabaw.
Sa paggamit bilang feng shui cures, ang coins ay kadalasang itinatali ng red thread. Kadalasang makikita ito sa amulets sa feng shui money cures, na may 3, 6 o 9 coins na nakatali nang sunod-sunod o sa flower pattern. Kadalasan din itong mayroong isang mystic knot sa red o gold silk na kasama rito bilang palamuti.
Ang tatlong coins ay nagpapahayag ng ‘energy of trinity’ na naroroon sa iba’t ibang pamamaran sa iba’t ibang kultura.
Feng shui wise, ang 3 Chinese coins ay taglay ang ‘trinity of heaven, earth and mankind luck,’ ang 6 ay ikinokonsiderang ang numero ng heaven luck, o heavenly energy, ang 9 ay highest number, ang numero ng ‘completion.’
ni Lady Dee