Friday , November 15 2024

Humihirit pa si Erap masalakab ang MET

00 Kalampag percyAPAT na buwan na lang sa Manila City Hall si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Ejercito Estrada ay gusto pang maipagpilitan ang ‘pangangamkam’ sa Manila Metropolitan Theater (MET) na ngayon ay pagmamay-ari na ng National Commission for Culture and the Arts (NCAA).

Kumbaga sa paborito niyang sugal, buta na pero gusto pang humirit.

Kesyo idudulog pa raw ng sentensiyadong mandarambong sa korte ang ‘pagbawi’ sa MET na dating pagmamay-ari ng Maynila.

Ang MET ay isinangla ni dating First Lady Imelda Romualdez Marcos sa GSIS noong sila pa ang nasa Malacañang hanggang mailit at hindi na matubos.  

Hinahangaan natin si Erap hindi dahil sa pagiging artista kundi sa pagpapanggap na may malasakit siya sa MET at sa mga pamana ng kultura at kasaysayan.

Naaatim niya kasing bihisan ng kunwa-kunwariang malasakit ang karumal-dumal na motibo ng pangangamkam at pagpapayaman kesehodang malapastangan pati ang mga pamana ng ating kultura at kasaysayan.

Ang MET ay binayaran sa GSIS ng Department of Budget and Management (DBM) sa halagang P270 milyon noong nakaraang taon para mapunta ang pagmamay-ari nito sa NCCA.

NCCA, NHCP tahimik sa Army-Navy Club

KATUNAYAN, ipinagiba niya dahil ibinenta ang makasaysayang Manila Army and Navy Club na naitayo noong1898 malapit sa U.S. Embassy at Quirino Grandstand.

Halos pawang gawa sa kahoy na Narra ang mga materyales ng Army and Navy Club, pinutol rin pati ang mahigit sa 40 punong-kahoy sa paligid na mas matanda pa kaysa nasabing edificio.

Isang hotel na may pasugalan o casino ang kasalukuyang itinatayo sa lugar na katabi mismo ng Museong Pambata.

Pagbalewala sa batas ang paggiba sa PNB Bldg

KAMAKAILAN lang ay kinondena ang isinasagawang paggiba sa isa pang makasaysayang gusali ng PNB sa Escolta, Maynila na nabili sa panahon ni Manila Mayor Alfredo Lim noong dekada ‘90.

Ibinenta ni Erap ang PNB Bldg., pero tulad ng iba pang mga ari-arian sa Maynila ay hindi niya ipinaliliwanag sa mga Manileño kung magkano ang bentahan at sino ang mga taong pinagbentahan.  

Ang nasabing gusali ay ginamit bilang unang campus ng City College of Manila (CCM) na ngayon ay tinatawag na Universidad de Manila (UDM) para sa libreng pag-aaral ng mahihirap na Manileño.       

Noong nakaraang taon (2015) ay tinupok ng matalino at turuang apoy ang maliit na bahagi ng PNB Bldg., para bigyang katwiran na maipagiba ito.

Noong nakaraang linggo, kinondena ni Architect Dominic Galicia, pangulo ng International Council on Monuments and Sites (Icomos), ang advisory council ng United Nations Educational, Scientific, Cultural Organization (Unesco), ang paggiba sa PNB Bldg.

Sabi ni Galicia, ang gusali ay gawa sa ”materiales fuertes” kaya matibay at matatag kahit pa sinunog, este, nasunog pala.     

Kaya naman pati ang hitsura na buong Escolta ay apektado na rin dahil masisira ang mahalagang pamana nito sa kasaysayan ng Maynila.   

Ang gusali ay disenyo pa ng kinikilalang arkitekto na si Carlos Arguelles at itinayo mula 1962 hanggang 1965 at ibinibilang na mahalagang cultural property kaya dapat irespeto na nasasaad sa National Heritage Law of 2009.

Marami ang nagtatanong kung may isip daw ba ang apoy at bakit ang napipiling sunugin ay ang mga property na ibinebenta na kung tawagin ng kampo ni Erap ay Joint Venture Agreement (JVA).

Bakit nga pala walang imik ang pamunuan ng NCCA at National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa walang habas na pambabastos at mga paglabag ni Erap sa batas?

Apoy sa Maynila marunong pumili ng mga susunugin

MARAMI ang nagtatanong kung ang apoy daw ba ay tulad din ng tao na may isip at marunong pumili ng kanyang susunugin.

Nagtataka sila kung bakit sa kalimitang may magaganap na sunog ay ‘yun pang mga property na balak isapribado ni Erap na kuning-kuning ay Joint Venture Agreement (JVA) daw.

Nitong nakaraang 2015, buwan ng Disyembre, bukod sa PNB Bldg., ay nasunog ang mga kabahayan sa Barangay 310 Sta. Cruz, Maynila, tapat ng Isetan Department Store, malapit sa Quezon Boulevard.

Ang naturang barangay ay karugtong ng Manila City Jail at Central Market na iisang property lamang na pag-aari ng national government.

Matatandaan na ilang taon ang nakararaan, nagkaroon ng hidwaan sina Vice President Jojo Binay at si Erap tungkol sa Central Market.

Nagalit si Erap nang hindi payagan at pirmahan ni Binay bilang pangulo ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) ang hiling sa kanya ni Erap para maibenta ang Central Market.

Matagal na rin pinagpaplanohan ni Erap ang pagbenta sa Manila City Jail na karugtong ng Central Market.

Bago ito, buwan ng Nobyembre 2015, nasunog ang mga commercial/business establishment na nakapuwesto sa gawing pasukan ng Manila Zoo.

Ito kasi ang pinakamadaling paraan pra ipawalang bisa ang anomang kontrata sa pagitan ng commercial/business establishments at ng Manila City Hall.

Walang iniwan o ipinagkaiba sa sunog na naganap noon sa dating Agora Public Market na matapos muling maitayo ay biglang naging pribadong palengke sa lungsod ng San Juan na lungga ng mga pamilya Ejercito-Estrada.

Baka naman kaya si Erap ay sadyang nag-aalaga ng apoy na marunong pumili ng susunugin.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *