KUNG hindi n’yo batid na ang Enero 25 ay Bubble Wrap Appreciation Day, hindi kayo nag-iisa. Maaaring hindi mahalaga ang calendar event na ito ngunit maaaring dapat ding ipagdiwang sa fashion nang literal.
Bagama’t ang bulky plastic material ay halos ekslusibo lamang gamitin para protektahan ang ‘fragile items’ sa shipping, maaari ring ito ay mainam gamitin bilang clothing designs.
Sa layuning ito, hinamon ng The Huffington Post ang matatalinong estudyante ng New York City’s High School of Fashion Industries (HSFI) na magdisenyo ng runway-ready look para sa 450 feet ng Bubble Wrap mula sa Sealed Air.
Makaraan ang tatlong araw, ang mga miyembro ng Fashion With at Purpose Club ay lumikha ng walong “mind-blowing ensembles” mula sa coctail dresses at cropped jacket hanggang sa voluminous harem pants at Bubble Wrap adorned shoes.
“It’s right in the element of what we do, so we were really excited,” pahayag ni Belinda David, HSFI teacher, sa Huffington Post. ”I think they did an amazing job”
Si David ay faculty advisor din ng Fashion With A Purpose Club, ang extra-curricular organization na nagkakaloob sa mga estudyante ng pagkakataong mag-aral ng global and social awareness at bumuo ng mga disenyo mula sa ‘sustainable and recyclable materials.’
(THE HUFFINGTON POST)