Aries (April 18-May 13) Sa sandaling ito, ang iyong unang reaksiyon sa mga bagay sa iyong paligid ay mabagal.
Taurus (May 13-June 21) Ang iyong kakayahan na makita ang hinaharap ay mas tatalas pa.
Gemini (June 21-July 20) Huwag babalewalain ang kutob lalo na kung ito ay tungkol sa iyong mga plano para sa kinabukasan.
Cancer (July 20-Aug. 10) Hahayaan ng mga bituin na maging malaya ang iyong romantic side.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Posibleng magkamali sa pagdedesisyon ngayon kaugnay sa seryosong usapin.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Posibleng hindi mo ganap na maunawaan ang ikinikilos ng iyong partner ngayon.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Huwag basta lulundag sa conclusion, alamin muna ang sitwasyon.
Scorpio (Nov. 23-29) Posibleng may mabuong unique creative ideas na makatutulong sa iyong proyekto.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Sa buong maghapon, makakaasang walang mangyayaring kakaiba sa pamilya.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Maging mapagmatyag sa mga nangyayari sa paligid, makinig sa sasabihin ng iba at mag-abang ng balita.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Marami kang maiisip na ideya na ikagugulat ng iyong mga kasama.
Pisces (March 11-April 18) Marunong kang kontrolin ang iyong emosyon kaya mabilis kang makarekober sa problema.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Mainam ang sandali ngayon sa pamimili ngunit piliin ang nais bibilhin.
ni Lady Dee