Sunday , December 22 2024

Iboboto sa eleksiyon kilalanin — Miss Universe

NANAWAGAN si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurztbach sa mga botante na maging matalino sa pagpili ng susunod na Pangulo ng bansa.

Sa press conference sa Malacañang, sinabi ni Wurztbach na ang mga ihahalal na pinuno ang siyang uugit sa kinabukasan ng Filipinas.

Payo niya sa mga botante na kilalaning mabuti ang mga kandidato at dapat magaan sa loob kung sino ang iboboto o hindi sapilitan at minadali ang desisyon.

“Well, I hope that we elect the right people, because its going to shape the country for next couple of years.  So it is very important, kilalanin n’yo po nang mabuti ang  mga iboboto n’yo, dapat po magaan sa loob ninyo kung sino ang iboboto n’yo, hindi po sapilitan at minadali ang desisyon, kailangan na maluwag sa loob n’yo kung sino ang iboboto n’yo for the elections,” ayon sa beauty queen.

Makaraan ang courtesy call kay Pangulong Benigno Aquino III, sinabi ni Pia na isang malaking karangalan ang makaharap at makadaupang palad ang Punong Ehekutibo.

“It’s an honor to be in the presence of the President especially now that I am here as the Ms. Universe bringing home the crown for the Filipino. He congratulated me and I also congratulated him for a successful term,” aniya.

Umabot sa 52-minuto ang courtesy call ni Pia sa Pangulo at nagkakuwentohan aniya sila sa kanyang karanasan sa Ms. Universe pageant at sa pagiging busy ng Pangulo sa kanyang mga trabaho.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *