Sunday , December 22 2024

Rehab works sa ‘Yolanda victims’ mabagal — UN

AMINADO ang United Nations (UN) na nababagalan ito sa ginagawang rehabilitasyon para sa mga biktima ng bagyong Yolanda kasabay ang pangambang abutan pa sila ng panibagong kasinglakas na bagyo.

Sinabi ni UN Special Representative of Secretary General for Disaster Risk Reduction Margareta Wahlstrom, nababagalan sila sa ipinatutupad na rehabilitation works ng gobyerno sa mga sinalanta ng kalamidad dahil hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang permanent housing ng mga biktima.

Kaya nababahala ang kinatawan ng UN na abutan nang susunod na malakas na bagyo na katulad ng bagyong Yolanda, ang mga biktima na hanggang ngayon ay nakatira pa rin sa temporary shelters.

Iginiit pa ni Wahlstrom, dapat makiisa sa gobyerno ang local government units (LGUs) gayondin ang komunidad sa pagsusulong ng disaster risk reduction upang malabanan ang climate change lalo’t palaging nakaharap sa iba’t ibang kalamidad ang bansa tulad ng bagyong Yolanda.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *