Tuesday , May 13 2025

Bawas-pasahe ipaubaya sa LTFRB — Palasyo

DUMISTANSYA ang Palasyo sa panukalang bawas-pasahe ng transport groups kasunod nang sunud-sunod na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ipinauubaya ng Malacanang sa Land Transportation Franchising regulatory Board (LTFRB) ang pagpapasya sa panukalang bawas-pasahe.

Aniya, nasa mandato ng LTFRB na magdesisyon kung kinakailangang magpatupad ng fare adjustment.

Tungkulin aniya ng LTFRB na magtakda ng pamasahe na makatwiran, makatarungan at kapaki-pakinabang para sa mamamayan.

“It is the LTFRB’s mandate to decide a just and reasonable fare for commuters,” aniya.

Magugunitang nagpanukala si Efren de Luna, national president ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), na ibalik sa P7.00 ang minimum na pamasahe sa mga pampasaherong jeep sa unang apat na kilometro.

About Rose Novenario

Check Also

L sign Loser Vote Election

Mga artista mas ok kaysa trapo o dinastiya

I-FLEXni Jun Nardo EXCITING sa aming taga-showbiz malaman kung sino-sino ang papalarin sa mga artistang …

Elections

Init ng ulo ‘wag pairalin ngayong botohan 

I-FLEXni Jun Nardo ELECTION day! Hmm, alam na ninyo kung sino ang dapat iboto, huh! …

LTO- NCR, HPG Region 4-A, ginagamit sa local politics sa Quezon

LTO- NCR, HPG Region 4-A, ginagamit sa local politics sa Quezon

NANAWAGAN ang mga residente sa Commission on Elections (Comelec) na silipin ang paggamit sa isang …

Arrest Posas Handcuff

Trike driver huli sa pang-aabuso

KULONG ang isang tricycle driver na nasentensiyahan ng kasong child abuse matapos malambat ng Navotas …

QCPD Quezon City

Nagpasabog sa QC spa arestado

NAARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa apat na suspek na sangkot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *