MARAMI ang nalungkot at nagdalamhati sa pagyao ng Master Showman German Moreno. Kahit sa social media ay malalaman mo na maraming nagmamahal at natulungan si Kuya Germs dahil kanya-kanya silang kuwento at pakikiramay.
Kaliwa’t kanan din ang ibinibigay na tribute sa kanya.
Kahit ang young actor na si Miguel Tanfelix ay nakaranas din na gabayan ng Master Showman. Masuwerte raw siya dahil isa siya sa mga artistang nabigyan ng payo ng yumaong komedyante at TV host.
“Gusto ni Kuya Germs professional ka talaga on the set at kung paano ka makikitungo sa mga artista. Kasi, alam na niya po ang pasikot-sikot sa industriyang ito kaya marami ka po talagang matututuhan kay Tatay Germs,” bulalas ng young actor.
Samantala, sa Mt. Carmel Church sa QC nakaburol si Kuya Germs. Super dami ang bulaklak na nasa loob ng simbahan.
TALBOG – Roldan Castro