Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cristine, limitado na ang pagpapa-sexy

011316 Christine Reyes
INAABANGAN na ang opening salvo ng Viva Films na pelikulang Lumayo Ka Nga Sa Akin na isang trilogy starring Maricel Soriano, Herbert Bautista, Cristine Reyes, Benjie Paras, Candy Pangilinan, Paolo Ballesteros, Jayson Gainza, Antoinette Taus, at Shy Carlos.

Marami na ang nasasabik na mapanood ulit ang Diamond Star dahil matagal-tagal na rin siyang hindi nakikita sa big screen. Ganoon din ang pagbabalik ni Cristine Reyes after manganak.

Kahit mag-aasawa na si Cristine ay hindi niya iiwan ang showbiz.

“Mas maraming trabaho, mas okay,” sambit niya.

Pero may limitasyon na siya sa daring at pagpapaseksi lalo’t may anak na. Depende raw sa fiancé niya na si Ali kung papayagan siya sa ganoong proyekto.

“Si Ali, maintindihin naman ‘yan sa mga bagay. Kung mai-explain mo sa kanya na maganda ‘tong project na ‘to, I’m sure approved naman sa kanya if ever,” sambit pa niya.

Pinapirma na rin ng Viva Sports si Ali at posibleng umarte na rin dahil pinag-workshop din siya sa acting.

”Tawa nga siya ng tawa, eh. Sabi niya, hindi niya alam ang ginagawa niya. Pero we’ll see. Sabi ko naman sa kanya, kung mayroong kumakatok sa pinto mo, alam mo ‘yun? Hindi naman lahat ng tao kinakatatukan ng pinto, eh. Bakit hindi mo buksan?

“Noong una, natakot ako, baka mamaya. . .alam mo ‘yun, ang daming temptation diyan. Pero sa pagkakakilala ko naman kay Ali, ano eh, ayokong sabihing kampante pero I trust him enough,” deklara pa ni Cristine.

Ang Lumayo Ka Nga Sa Akin ay showing na sa January 13 mula sa direksiyon nina Mark Meily, Andoy Ranay and Chris Martinez.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …