Thursday , December 12 2024

Answered Prayers ng BI employees

00 Bulabugin jerry yap jsyKAHIT halos anim na buwan na lang ang natitira sa administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, nagbigay siya ng napakagandang pabaon sa mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI).

‘Yan ay nang sibakin niya si dating Commissioner Siegfred ‘pabebe’ Mison.

Nang mabalitaan nila ito ay naghiyawan at naglundagan ang mga empleyado sa sobrang tuwa at paraang napa-halleluiah.

Sabi  nga nila, answered prayers ang pagkakasibak kay Mison.

Siyempre may nakisimpatiya rin, pero bilang na bilang lang sa daliri kung sino-sino sila.

Sila ay yun kung tawagin ay waray waray group na namayagpag mula pa noong GMA administration sa bureau.

‘Yan naman ang matagal na nating sinasabi at naisusulat sa ating kolum.

Hindi naman sila habambuhay diyan sa mga puwesto nila kaya huwag nilang gamitin ang ipinahiram na kapangyarihan sa pang-aagrabyado ng kapwa.

Ang akala kasi noon ni Mison, komo abogado siya ay siya lang ang nakaaalam at marunong ng batas. Sukdulang tapakan ang mga batayang karapatan ng mga opisyal at empleyado sa BI.

Ang batas ay proteksiyon lalo para sa maliliit na tao hindi ito ginagamit para paglaruan, paghigantihan o ipagparangalan ang iyong kapangyarihan.

Nalimutan yata ni Mison na mayroong tinatawag na KARMA.

Ngayong tumama na ito sa kanya, naintindihan na kaya niya kung ano ang ibig sabihin ng KARMA?!

Lubos ang pasasalamat ng BI rank & file employees kay SOJ BEN CAGUIOA na kung hindi dahil sa kanya ay baka nasa madilim na direksyon pa rin ang kanilang ahensiya.

Ganun din kay Asscomm. Gilbert Repizo,Asscomm. Mangotara at Exe. Dir. Eric Dimaculangan na sa panahon na sila’y dumadanas ng paghihirap ay laging nakasuporta sa kanila.

Kaya naman napakainit ng pagtanggap nila sa bagong BI Comm. na si Atty. Ronaldo Geron.

Pero masuwerte pa rin si Mison, nasibak siya sa BI nang hindi nala-lifestyle check…

Ma-lifestyle check pa kaya si Mison?

‘Yan po ang aabangan natin.

COMELEC parang palengke?!

MAGKAROON kaya tayo ng mapayapa at maayos na eleksiyon sa darating na Mayo kung ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) ay nagbabangayan dahil hindi nagkakasundo sa kanilang mga resolusyon?

Para silang palengke sa gulo.

Pumasok ba sila sa Comelec na hindi naiintindihan kung ano ang proseso ng decision making kaya lumalabas na magkakaiba ang kanilang pananaw at desisyon?

Paano na ‘yung mga susunod na kaso sa Comelec? Ganito rin ba ang mangyayari? Iba ang resolusyon ni Commissioner Rowena Guanzon na kokontrahin naman ni Chairman Andres Bautista?

Parang ang Comelec pala ay isang Bangka na ang mga sakay ay magkakaiba ang sagwan.

Aba, Chairman Bautista, mag-ayos kayo diyan sa Comelec.

Paano magkakaroon ng integridad ang eleksiyon sa Mayo kung kayo mismo sa Comelec ay nagkakagulo?

Process Server ng Sandiganbayan gun-toter na trigger happy pa?!

Hindi natin alam kung alam ng Sheriff’s Office ng Sandiganbayan na may isa silang process server na ala- gun-toter na akala mo ay komang kung makaasta at mukhang bigatin.

Terror kung tawagin ng mga kapitbahay niya sa Barangay Batasan Hills, Quezon City dahil sa tuwing nauulol ‘este’ nalalasing ang kumag, akala niya ay nasa Wild, Wild West siya kaya kung magpaputok ng baril ay daig pa ang pagsalubong sa bagong taon.

Sonabagan!!!

Maraming reklamo na ang inihain sa barangay laban sa nasabing kawani ng Sandiganbayan pero mukhang andap ang Barangay kaya walang nangyayari sa mga reklamo ng mga kapitbahay dahil nga sa process ‘boy angas’ server ng Sandiganbayan.

Anak ng pusa!

Taga-deliver ng subpeona at mga order ng husgado, pero  abusado sa komunidad!?

Paano pa kaya kung mataas-taas ang posisyon o naging sheriff pa kaya si kamote?

Baka maubos na ang mga kapitbahay niya sa takot at sindak sa kanya?!

Tinatawagan natin ng pansin ang Hepe ng Sheriff’s Office ng Sandiganbayan at si Presiding Justice Amparo M. Cabotaje-Tang, na pakiimbestigahan po ang kawalanghiyaang pinaggagawa ng nasabing process server at bigyan ng karampatang disiplina.

Wala na pong magtitiwala sa pamahalaan kung ang mga kawani ay abusado sa kanilang pamayanan.

Tsk tsk tsk…   

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *