Monday , December 23 2024

Trash Record, pandarambong ni Erap ‘di dapat makalimutan

00 Kalampag percyPAULIT-ULIT nating ipinapaalala sa publiko, lalo na sa mga botante na ang track record ng isang kandidato ang dapat maging batayan sa pagboto at hindi “trash record.”

Pero dahil marami sa mga botante ngayo’y mga musmos pa nang mapatalsik sa Palasyo at mahatulang guilty sa kasong plunder o pandarambong si Joseph “Erap” Estrada, mahalaga na ipakilala natin siya sa kanila.

Si Erap ay sinipa ng mga mamamayan pa-labas ng Malacañang noong Enero 2000 dahil sa pagkakabulgar ng bilyon-bilyong anomalya na kanyang kinasangkutan kasama ang ilang kaanak at kaibigan.

Ilang dosenang testigo at santambak na dokumento ang nagpatunay sa Sandiganbayan kung paano nagkamal si Erap dahil sa pag-aabuso sa kapangyarihan.

Bukod sa hinakot na daan-daang milyong pisong kinita sa jueteng protection, ninakawan din ni Erap ang milyon-milyong miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) dahil P1.85-B pondo’y ipinambili niya ng shares of stocks ng korporasyong Belle Corporation.

Ang Belle Corporation ay pagmamay-ari nila ni Dante Tan, ang crony ni Erap na hangga nga-yon ay nagtatago pa sa ibang bansa.

Matapos ang mahigit walong taon, hanggang ngayon ay hindi pa rin nababayaran ni Erap ang kanyang dinispalko na ipinasasauli ng Sandiganbayan sa gobyerno sa hatol sa kanya bilang accessory penalty.

Batay sa ulat, may kalahating bilyong piso pa ang hindi naibabalik ni Erap sa kaban ng ba-yan.

Ang kuwartang dinambong ay nakalagak sa kompanyang Wellex ng pamilya Gatchalian at ipinaglalaban pa sa hukuman na kanila raw ang kuwarta.

Hindi itinuturo sa mga paaralan ang natu-rang mga detalye na bahagi sa kasaysayan ng ating bansa kaya mahalaga na ipabatid ng media ito sa publiko.

Sinamantala ito ni Erap kaya taas noo pa siyang nakakapangampanya sa mga estudyante nang muling kumandidato noong 2010 at 2013 elections.

Ang resulta ng kamangmangan sa “trash record” ni Erap ay napariwara sa kanyang mga kamay ang lungsod ng Maynila.

Wala na halos natira sa mga ari-arian ng siyudad matapos ibenta ng walang patumangga ni Erap kasabay nang pagpataw ng 300% dagdag sa buwis at lahat ng serbisyong pangkalusugan na dating libre ay ginawa nang may bayad.

Nagkaroon ng sakit na iling ang mga Manileño at sising-alipin sa pagbibigay ng tsansang makapasok sa Maynila ang isang sentensyadong mandarambong.

Zamora determinado vs. Estrada Dynasty; Mayor Guia, kabado

DESIDIDO si San Juan City Vice Mayor Francis Zamora na tudukan ang 47 taong Estrada political dynasty.

Ang alok niya sa mga kababayan ay bagong uri ng pamamahala, may transparency at accountability.

Nais niyang magkaroon ng partisipasyon ang mga mamamayan sa pagpapasya dahil sila ang pinaglilingkuran ng serbisyo-publiko.

Ayaw niyang masangkot sa maruming pamomolitika kaya ang hamon niya kay Mayor Guia Gomez ay mag-debate sila sa harap ng mga taga-San Juan para masagot ng direkta ang mga katanungan.

Natural na hindi ito kakagatin ng kerida ni Erap dahil siguradong mahahalukay ang mga “lihim” na pinakaiingatan at baka pati ang misteryosong sunog sa Brgy. Corazon de Jesus ay mausisa pa.

Kaso ng mag-ina sa Ombudsman, uusad pa kaya?

WALA na tayong nabalitaan sa kasong plunder na inihain ng isang Glenn Angeles sa Ombudsman laban  sa mag-inang JV at Guia noong 2013.

Hiniling ni noo’y  San Juan City mayoralty bet Glenn Angeles sa Ombudsman na imbestigahan ang pagkawala ng may P3.6 bilyon sa kaban ng lungsod.

Ang reklamong inihain ni Angeles ay batay sa report ng Commission on Audit, gaya ng pork barrel scam pero hindi inaaksiyunan ng Ombudsman.

May P1.47 bilyon ang nawawalang pondo sa San Juan City noong 2008 sa panahon ng dating alkalde ng lungsod na si JV, sabi ni Angeles.

Ipinasisiyasat din sa Ombudsman ang may P2.14 bilyon na naglaho sa pondo ng San Juan City sa panahon ni Gomez noong 2011.

Ito kaya ang isa sa kinatatakutang bangungot ni Guia kaya wala pa siyang sagot sa hamon na debate ni Zamora?

Hindi raw sa napipintong pagkatalo sa 2016 Manila mayoralty elections natatakot si Erap, kundi sa napipintong pagkawala nila sa poder ng San Juan City.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *