Sunday , December 22 2024

Palasyo nakatutok sa tensiyon sa Saudi vs Iran

TINIYAK ng Palasyo na nakatutok ang gobyerno sa umiiral na tensiyon sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran para sa kaligtasan ng maraming migranteng manggagawa.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., mayroong koordinasyon ang gobyerno sa iba’t ibang embahada sa Gitnang Silangan partikular sa Saudi Arabia at Iran upang masiguro ang kaligtasan ng overseas Filipino workers  (OFWs).

Aniya, nakatutok dito ang Department of Foreign Affairs (DFA) upang masiguro na ligtas ang OFWs sa Saudi Arabia at Iran sa gitna ng umiiral na tensiyon.

May isang milyong OFW ang nasa Saudi Arabia habang mahigit 40,000 ang Filipino workers sa Iran.

Pinutol ng Saudi Arabia ang ugnayan nito sa Iran makaraang lusubin ng mga Iranian ang embahada ng Saudi sa Tehran nang mahatulan ng parusang bitay ang Iranian Shia religious leader na si Nimr al-Nimr.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *