Thursday , April 10 2025

Pagsibak kay Mison hinihintay ng palasyo

MisonHINIHINTAY na ng Palasyo ang rekomendasyon ni Justice Secretary Benjamin Caguioa kung sisibakin na si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfred Mison at iba pang opisyal ng kawanihan.

Ito ang pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., sa napaulat na tatanggalin na sa puwesto si Mison at dalawa pang opisyal ng BI bunsod ng mga kinasangkutang kontro-bersiya hinggil sa panunuhol ng mga puganteng dayuhan para hindi mapalayas sa bansa.

Ani Coloma, nasa ilalim ng pangangasiwa at kontrol ni Caguioa ang BI kaya’t siya ang magrerekomenda kay Pangulong Benigno Aquino III kung dapat pang manatili at pagkatiwalian ang mga opisyal ng kawanihan.

“As the President’s alter ego, the Secretary of Justice exercises supervision and control over the BI, who makes the appropriate recommendations on the officials’ fitness and trustworthiness,” ayon kay Coloma.

Binigyang diin ni Coloma, tulad ng ibang presidential appointees, si Mison at deputy commissioners ng BI ay nakapuwesto dahil sa tiwala at kompiyansa sa kanila ni Pangulong Aquino.

“Like all presidential appointees, the Commissioner and Deputy Commissioners of the BI serve for as long as they enjoy the President’s trust and confidence,” dagdag ni Coloma.

Matatandaan, noong nakalipas na buwan, pinaimbestigahan ng Malacañang kay Caguioa ang mga kasong isinampa sa Ombudsman laban kay Mison.

Sa liham na ipinadala ni Deputy Executive Secretary for Legal Affairs Menardo Guevarra kay Caguioa, hiniling na sisiyasatin nito ang limang kasong inihain sa Ombudsman laban kay Mison at isumite sa kanya ang rekomendasyon hinggil dito.

Kalakip ng sulat ni Guevarra kay Caguioa ang record ng mga kaso ni Mison sa anti-graft body gaya nang inihain nina Atty. Vicente Uncad, Ricardo Cabochan, Maria Rhodora Abrazaldo at Atty. Faizal Hussin.

About Rose Novenario

Check Also

Coco Martin Lito Lapid

Coco, Lito magmo-motorcade sa Cavite sa Abril 10

MAGSASAMANG muli sina Senador Lito Lapid at Direk Coco Martin matapos ang pagkamatay ni Supremo aka “Primo” sa Batang Quiapo sa …

SLP Swim League Philippines Patriots League of Champions III

Mula Grassroots Hanggang Champions: SLP Patriots, Umangat sa League of Champions III

Walang inuurungan ang Swim League Philippines (SLP) Patriots sa pangunguna ni Coach Zaldy Lara, matapos …

Grand rally FPJ Panday Bayanihan, dinagsa ng Bicol supporter

FPJ Panday Bayanihan Partylist, dinagsa sa Bicol

LIBO-LIBONG Bicolano ang dumagsa sa kalsada upang tunghayan ang motorcade campaign ng FPJ Panday Bayanihan …

TRABAHO Partylist umiigting pa ang kampanya

TRABAHO umiigting pa ang kampanya

MAS PINAIGTING ng TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, ang kanilang kampanya nitong Sabado mula …

Arrest Shabu

Buy-bust ops sa Arayat, Pampanga
P6.8-M shabu nasabat, big time HVT tiklo

MATAGUMPAY na nagsagawa ng buybust operation ang mga operatiba ng Arayat MPS Station Drug Enforcement …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *