Sunday , December 22 2024

Media dapat magmuni-muni sa mensahe ni Pope Francis (Ayon sa Palasyo)

DAPAT samantalahin ng media ang pagsisimula ng taon para magmuni-muni sa mensahe ni Pope Francis na mag-ulat din ng magagandang balita.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, isang taon na ngayong Enero mula nang ibahagi ni Pope Francis sa Filipinas ang mensahe ng “mercy and compassion” nang bumisita sa bansa.

Ani Lacierda, sa Enero 24-31 ay magsisilbing host ang Cebu sa International Eucharistic Congress, o 79 taon mula nang huling ganapin ito sa bansa.

“This is an opportune time for all of us to reflect on Pope Francis’ message to the media during the holiday season – that while we live in a time of much suffering, there are also ‘so many great gestures of goodness’ to help those in need that do not necessarily get coverage, and that these must not be obscured by the arrogance of evil’,” ani Lacierda.

Makikipagtulungan aniya ang administrasyong Aquino sa media para magkaroon ng iuulat na mabubuting balita.

Sa kanyang year-end homily, sinabi ng Santo Papa na ikinalungkot niya na hindi napapaulat ang magagandang balita at hindi dapat aniya kalimutan ang mga ito.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *