Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, inalok na ng kasal si Maine

120416 maine alden aldub
UMPISA pa lang ng Eat Bulaga ay naiyak na si Alden Richards sa mga mensahe sa kanya ng Dabarkads para sa 24th birthday niya. Nagmarka sa amin ang mensahe ni Allan K na ngayong puno ang kalendaryo niya at dumating ang panahon na lumuwag ito, nandiyan lang sila na dabarkads.

Makatuturan din ang mensahe ni Sen. Tito Sotto na sana raw ay matuto namang ilagay sa tama at lumuwag ang kalendaryo ni Alden para naman makapagpahinga at matulog.

Sumagot naman si Alden na kaya pa naman ang schedule niya.

Pero napansin din namin na medyo namamaos ang boses ng Pambansang Bae na nangangahulugan lang na kulang ito sa pahinga.

Sana lang, ‘wag siyang mawalan ng boses dahil may show pa siya sa January 7 titled Alden Live in Dubai na gaganapin sa Dubai Tennis Stadium at sa January 8 sa Qatar National Convention Center para sa Yaya’s Bae goes to Qatar.

Ngayong 2016 isang malaking achievement ni Alden ay matapos ang five-bedroom house niya.

Si Maine Mendoza kaya ang unang showbiz girl na papanhik sa bagong bahay niya?

May mga pabiro na si Alden kay Maine na  nagbibigay kilig at may halong kaseryosohan. Kinukulit niya si Maine noong January 1 sa Eat Bulaga sa dialogue niya na, ”Sabihin mo ngayon…10 times, 5 times, 3 times, kailan mo ako sasagutin?”

May   knock-knock din tungkol sa …merry. Tanong ni Maine, “Merry who?”

Sagot ni Alden, ”Marry me!”

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …