BIRUAN kahapon na malamig ang ulo ng mga beki sa parlor at may libreng gupit dahil after 42 years ay muling nagkaroon ng Miss Universe ang Pilipinas sa katauhan ni Pia Alonzo-Wurtzbach. Ginanap ang coronation sa The AXIS, Las Vegas, Nevada. Si Pia ang 63rd Miss Universe at pangatlo sa ‘Pinas sa koronang ito.
Naging Miss Universe noong 1969 si Gloria Diaz at si Margie Moran noong 1973.
We’re sorry for the embarrassment kay Miss Columbia dahil sa malaking pagkakamali ng host na si Steve Harvey na ito ang una niyang na-announce na winner samantalang first runner up pala siya. Biktima siya ng laban o bawi. Ha!ha!ha! Nakakaloka na magkamali ang isang host sa harap ng maraming tao na pinanonood ng buong mundo.
Memorable ang pagkapanalo ni Pia na naglalakad na ang Miss Columbia bilang Miss Universe 2015 nang itama na Miss Philippines ang tunay na Miss Universe 2015. Nakakaloka na bumalik sa stage ang Miss Universe 2014 na si Paulina Vega at bawiin ang korona sa kababayan niya para iputong sa Miss Philippines.
Sad to say, ipinagkait lang kay Pia at sa Pilipinas ang moment ng pagiging Miss Universe niya dahil naputol na sa live broadcast. Ang daya naman, huh!
TALBOG – Roldan Castro