Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Sanggol, bus at upuan

00 PanaginipGud am po.

Madalas po nagkakatotoo mga panaginip ko. Ang panaginip ko po isang babae na may hawak na sanggol at may bus ako nkita at nakaupo ako s isang upuan. (09327180380)

To 09327180380,

Ang panaginip ay bunga ng mga bagay na ating nakikita, nararanasan, at nararamdaman sa ating kapaligiran at mga taong nakakahalubilo natin sa pang-araw-araw na buhay. Ito ay maaaring galing din sa ating pananaw sa buhay, kinukuyom na takot, galit, agam-agam, alalahanin, mga dating karanasan, at mga bagay na katulad nito na naimbak sa ating subconscious. Maaaring ang mga bagay na ito ay naisip, narinig, naranasan natin mismo ng direkta, sinabi lang ng iba sa atin o naikuwento, naisip lang natin o pumasok lang sa ating isipan, nabasa sa libro o pahayagan o kauring bagay, napanood sa TV o sa sine at iba pang mga bagay na na-encounter natin bago tayo natulog, sa mga nakaraang araw o linggo, at may mga ilang pagkakataon din na sadyang matagal nang karanasan na animo de javu na nagbalik lang sa ating kaisipan at pananaw sa buhay sa pamamagitan ng panaginip. Dito kadalasang nanggagaling ang bunga ng ating panaginip at siyang pangunahing sanhi o direksiyon ng mga bagay na lumalabas sa ating panaginip. Ngayon, may mga pagkakataong nagkakatotoo talaga ang panaginip na sadyang detalyado talaga. Pero hindi naman ito madalas at masasabi ngang bihira lang ito. Gayunman, mas nabibigyan lang ng diin ang ganitong mga pagkakataon dahil kadalasang nagmamarka sa ating isipan ang ganitong bagay o insidente dahil sa scope nito at bunsod nga ng katotohanang nagkatotoo ang isang bagay na nakita lang sa panaginip. Na ang iba ay iniisip agad na ito ay isang signos o senyales ng kung anumang bagay na may mas malalim pang implikasyon at kahulugan na mahirap ipaliwanag ng simpleng lohika. (Itutuloy)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …