Friday , November 15 2024

Tumitindi ang ‘tug of war’ sa BI; Mison kapit-tuko ba?

00 Kalampag percySUMABOG na nang tuluyan ang tila digmaang alitan sa pagitan ng dalawang nag-uumpugang pwersa sa Bureau of Immigration (BI).

Ito ay matapos ilabas ni Justice Secretary Benjamin Caguioa ang Department Order 911 na nagtalaga kay Associate Commissioner Gilbert U. Repizo bilang Commissioner-In-Charge at nagbigay sa kanya ng buong kapangyarihan para pamunuan ang Border Control operations.

Kasama rin sa D.O. 911 ang full authority sa paglalagay ng lahat ng mga kinakailangang personahe sa lahat ng mga paliparan at daungan sa buong bansa.

Dahil dito agad tinugunan ng tumatayong Commissioner ng BI na si Siegfred Mison ang nasabing Department Order nang bigla itong mag-issue ng isang Administrative Order 021 na nagdedeklara ng pagiging “nullified” or void ng lahat ng mga ini-issue o maging susunod na ipapalabas pang mga P.O. at iba pang direktiba ni AC Repizo.

Ayon sa order na ginawa ni Miso este Mison, hindi raw valid ang mga nasabing P.O. kung hindi mismong si Justice Secretary Albert Benjamin Caguioa ang pipirma sa nasabing orders!

Wala pala talagang respeto ang bossing mo, Atty. Plantsador!

Ganon pa man, laking gulat ng buong Bureau dahil wala pang bente-kuwatro oras ay agad na tinugunan ng DOJ ang pagmamaktol ni Tatang, este, Mison. Isang Memorandum galing kay DOJ Usec. Emmanuel Caparas ang lumabas na nagsasabing “valid” o approved ang lahat ng inilabas na personnel movement at office instructions na pinirmahan ni AC Repizo dahil ito naman ay may prior approval na kay Secretary Caguioa.

Well, parang mag-asawang sampal ang biglang dumapo sa pagmumukha nitong si Comm. Siegfred “Can’t Get Over” Mison!

Obviously, hindi siya talaga kursunada ng mga kasalukuyang nakaupo riyan sa DOJ!

Aba naman kasi Ingkong Fredo, bakit hindi mo na lang tanggapin na talagang naubos na ang iyong suwerte?!

Malinaw na hindi ka “feel” ng mga kasalukuyang bossing diyan sa DOJ pero patuloy mo pa rin nate-take ang kabi-kabilang pagkutos sa iyo. Hindi ka pa ba masaya sa mga natanggap mo, Tatang?!

Ano pa ba ang hinihintay mo, pag-asa ba o grasya para sa Pasko?

Hindi kaya naghihintay ka lang ng pabaon?

Ano sa palagay mo, Atty. To-balats?

Mabuti pa nga noon si ex-Comm. Ric David Dayunyor, nang makaramdam na binitawan na siya ng kanyang benefactor sa DND ay dali-daling nag-file ng resignation.

Samantala ikaw na may pagkakataon pa na magkaroon ng graceful exit, gusto mo pa yatang i-rainbow shot ka sa kangkungan ng bossing mo sa Malacañang?! Ikaw rin baka biglang isampal sa iyo ni PNoy ang favorite line niya na “Saan ba kayo nanghihiram ng kapal ng mukha?!”

Ang sakit kaya no’n!

So better pack-up greencard Commissioner and MOVE ON!!!

Duterte dapat mag-ingat kay Mison 

HINDI lang pala sa pag-ibig gusto ni greencard Commissioner maranasan ang “forever” kundi maging sa puwestong tinatanggal na nga sa kanya.

Walang balak na sumibat talaga sa kanyang tanggapan sa Intramuros ang lolo cum lover boy ni Valerie.

Kaya naman kinukutsaba ang kanyang fraternity brothers para magkaroon ng linya kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte na sa tantiya niya ay maluluklok kapalit ni PNoy sa Palasyo.

Hindi pa tapos ang administrasyong Aquino ay iniladlad na ni greencard Commissioner ang tunay na kulay, kalaban pala siya ni PNoy na nagluklok sa kanya sa puwesto.

Simple lang ang lohika, si PNoy ay si Mar Roxas ng Liberal Party ang manok sa 2016 elections habang si Duterte ay katunggali nito at bumabanat sa gobyerno.

Kung kakampi ni greencard commissioner si Duterte, ibig sabihin, kalaban siya nina PNoy at Roxas.

Mas nananaig sa greencard Commissioner ang pagmamahal sa nakukulimbat niya sa puwesto kaysa ang serbisyo-publiko at nagluklok sa kanya sa gobyerno.

Hindi ba naisip ng lolo cum lover ni Valerie na nakakarating sa Palasyo ang lahat ng kanyang ginagawa kaya ‘wag na siyang magtaka kung masahol pa sa Christmas decoration ang papel niya ngayon.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *