Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo, sinuportahan si Iñigo sa celebrity screening ng And I Love You So

120915 piolo Iñigo miles julia b
NAPANOOD namin ang And I Love You So sa celebrity screening sa Dolphy Theater. Dumating si Piolo Pascual para suportahan ang unang teleserye ng kanyang anak na si Inigo.

Dumating  din sina Marjorie Barretto, Cholo Barretto at ilang kapamilya nila para suportahan si Julia Barretto.

Love rin ni Direk Edgar Mortiz at ang pamilya nito si Miles Ocampo kaya nanood din ang ama-amahan ng aktres  kasama si Camille Mortiz-Malapit.

Gusto namin ang story ng And ILove You So tungkol sa sibling rivalry na may inaapi at nang-aapi. Malapit sa masa ang ganitong istorya kaya sure kami na magki-click tuwing hapon  (4:00 p.m.) sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN 2.

Nakikita namin ang bagong JudyAnn Santos sa katauhan ni Miles na inaapi ang character. Bagay sa kanya at maayos niya itong nagagampanan.

Surprise sa amin na magaling sa pagmamaldita si Julia. Akma rin sa kanya ang role at na-impress niya kami.

Pansinin din at hindi matatawaran ang husay ni Angel Aquino bilang  sosyal na kontrabida. Mula umpisa hanggang matapos ang screening ng And I Love You So ay hindi siya bumitiw sa kanyang role.

Kasama rin sa serye sina Tonton Gutierrez, Dimples Romana, Benjie Paras, Jay Manalo. , Nikki Valdez, Dante Rivero, Kenzo Gutierrez, at Francis Magundayao.

Pak!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …