Guwapings na Cong Yucky sa comfort room
Jethro Sinocruz
December 8, 2015
Opinion
THE WHO si Congressman na sa panlabas na kaanyuan ay kagalang-galang at ang kinis ng kutis pero nakaririmarim pala kapag nasa loob ng toilet.
Hak hak hak hak hak hak!
Ayon sa ating Hunyango, ibang klase raw si Cong kapag nasa comfort room na dahil ibang klase ang style kapag dumi-jingle siya.
Tsika sa atin, kada jingle raw ni sir ay hindi lang sa urine bowl dumadaloy ang ihi nito, pati rin pala sa hinalalaking daliri niya!
Noong una inakalang sumablay lang si Cong sa kanyang pag-ihi pero sa ka-tagalan napag-alamang ugali na raw pala niya ang ganoon.
Yuckyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!
Okay lang naman kung minsan sab-lay ang jingle kasi nangyayari naman talaga ‘yun ‘di ba mga boyzzzzz?
Hehehehehe…
Ituloy natin, wala namang problema siguro kung ganoon nga umihi si Cong pero ang ‘di ayos ay ‘yung hindi siya nag-huhugas pagkatapos ng kanyang oras-yon!
Alam n’yo ba kung anong ginagawa? Ipinupunas lang naman sa pantalon niya! Hahahahahahahahaha!
Tinamaan ng mapangheng Congressman!
Idiretso pa natin, ang mabigat paglabas sa comfort room panay pa ang pakikipag-kamay ni Cong sa mga kababaihang bisita at sa mga kapwa mambabatas…
Anak ng inodoro!
Nag-share pa ng residue!
Wahahahahahahaha!
Kilalanin kung sino si Congressman na itago na lang natin sa pangalang “Gustong Pumanghe” in short GP!
Getz n’yo?!