NEW CASTLE, Pa. (AP) — Hindi maipaliwanag ng Pennsylvania environmental officials kung bakit inirereklamo ng mga residente sa isang lungsod na ang kanilang lugar ay nag-amoy ihi ng pusa nitong nakaraang taon.
Sa ulat ng New Castle News (http://bit.ly/1XyFoiu ), ang Department of Environmental Protection report ay ‘inconclusive.’
Ayon sa department, maaaring isang uri ng basura na nagtataglay ng mesityl oxide ang nahaluan ng isang uri ng sulfur compound kaya nagkaroon ng ganoong uri ng amoy.
Ngunit sa sinuring air samples at subtances sa sewage treatment ng lungsod, walang nakitang ganoong subtances.
Ang mesityl oxide ay ginagamit na paint removers, bilang solvent at insect repellents.
Unang kinontak ng lungsod ang Pennsylvania environmental officials noong Oktubre 2014.
Ang New Castle ay tinatayang 45 miles nortwest ng Pittsburgh.
(THE HUFFINGTON POST)