Tuesday , December 24 2024

Binay camp itinuro ng Palasyo vs Grace Poe

ITINURO ng Palasyo ang kampo ni Vice President Jejomar Binay bilang pasimuno sa pagkuwestiyon sa kuwalipikasyon ni Sen. Grace Poe bilang 2016 presidential candidate.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, si UNA Interim Navotas Rep. Toby Tiangco ang unang nagbunyag sa publiko na labag sa Konstitusyon ang kandidatura ni Poe sa 2016 presidential elections.

Binigyang-diin niya na kung nalaman agad ito ng Liberal Party ay hindi na sana nila inalok pa si Poe na maging ka-tandem ni administration standard-bearer Mar Roxas.

“The first time who raised it up was I think Congressman Toby Tiangco raised up that issue. So nobody knew. In fact, we wanted her to be the vice president of “Daang Matuwid” coalition. If we knew already ahead of time, it doesn’t make sense for us to ask her to be our candidate. The thing is there was… We did not know about it until Congressman Toby Tiangco raised the issue, ‘teka may kulang yata rito sa qualifications niya.’ So it was not something that we are aware of,” aniya.

Matatandaan, noong nakalipas na Hunyo ay ibinunyag ni Tiangco na hindi kuwalipikadong presidential bet si Poe dahil nakasaad sa Article VII, Section 2 Konstitusyon na “no person may be elected President unless he is a natural-born citizen of the Philippines, a registered voter, able to read and write, at least forty years of age on the day of the election, and a resident of the Philippines for at least ten years immediately preceding such election.”

Sa 2016 elections aniya ay siyam na taon at anim na buwan pa lang na residente ng Filipinas si Poe dahil base sa 2013 certificate of candidacy na inihain ng senadora noong 2013 senatorial elections ay “6 years and  6 months residency.”

Habang giit ng kampo ni Poe, nagkamali ang senadora sa kanyang 2013 COC at ang dapat na inilagay ay walong taon ang kanyang paninirahan sa bansa.

Kamakalawa ay nagpasya ang Comelec 2nd Division na diskuwalipikado si Poe dahil hindi siya ay wala pang 10 taon naninirahan sa bansa.

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *