KATULAD din ng iba pang sinaunang worldwide forms ng energy manipulations, unang ginamit ang feng shui sa burial grounds o sa mga libingan.
Sa kalaunan, lumawak ang paggamit nito kabilang sa mahalagang mga tirahan. Sa katunayan, ang paggamit nito noon ay inililihim, at para lamang sa mga taong nasa kapangyarihan at hindi talaga available sa masa.
Sa panahon ng Chinese communism makaraan ang Second World War, sinupil ang paggamit ng feng shui kaya lumaganap lamang ito sa kalapit na mga bansa, katulad ng Japan, Hong Kong, Taiwan, Singapore, Malaysia at Korea.
At sa kasalukuyan, ito’y pamilyar na rin sa buong mundo.
Ang China ang ikinokonsiderang pinagmulang bansa ng feng shui.
Ibinigay ang kredito kay philosopher (at kalauna’y naging emperor) Fu Hsi ang paggamit ng basic concept sa mga gusali, nang gamitin niya ang kanyang “magic square” (kilala bilang ‘ba gua’). Bunsod nito, maikokonsidera rin siya bilang ama ng feng shui.
ni Lady Choi