Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ritz, saan na pupulutin pagkatapos ng kontrata sa TV5 sa 2016?

080115 ritz azul

MATATAPOS na ang contract sa January, 2016 ni Ritz Azul sa TV5. May mga plano na ba siya lalo’t iba na naman ang mamumuno ng entertainment sa naturang estasyon?

“Sa ngayon nagpaplano na kami pero as of now, nasa TV5  pa rin ako,”tumatawa niyang pahayag.

Ano ang reaksiyon niya sa mga kaganapan sa entertainment sa TV5?

“Medyo magulo nga pero matagal na ring magulo kaya hindi na rin ako na-shock. Pero siyempre, naaawa rin ako…’yung iba ay nawalan ng trabaho.

“Sa lagay ko naman, siyempre, nakipag-usap na rin ako kina Ms. Wilma (Galvante), consultant ko siya ngayon, so, sabi niya maghintay na lang kami kung ano ang mangyayari hanggang 2016.

“Wala naman  akong kaba factor kasi matatapos na rin, magbi-break na rin ang ‘Happy Truck’ kaya instead na kabahan ako, feeling ko kailangan kong mag-improve ng sarili ko para tumingin ng ibang window kung sakali man.”

Actually, nakatali lang si Ritz sa TV5 pero noon pa namin nababalitaan na may isang network na nagkakainteres sa kanya.

“Pero siyempre nasa TV5  pa rin ako. Ayaw kong tanggalin ‘yung chance at opportunity na nasa TV5 ako. Maraming plans sila na sinasabi sa akin,” sambit pa niya.

Busy din sa school si Ritz at sa Happy Truck ng Bayan sa TV5. Magsasama rin sila ni Diether Ocampo sa isang episode ng Wattpad Presents Wicked Wayskasama si John James Uy na eere sa Nov. 23-27.

Kasama rin sa Season 5 Batch 2 ng Wattpad Presents ang Wrong Number (Nov. 30-Dec. 4) na pagbibidahan nina Eula Caballero at Mark Neumann and Iska Ispiritista (Dec. 7-11) starring Monica Cuenco and Martin Escudero. May isa pang episode si Diether  titled Mr. Wrong with Sam Pinto na mapapanood sa Dec. 14-18.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …