Tuesday , May 13 2025

Duterte lalarga na for President sa 2016 

00 Kalampag percyANG desisyon lang pala ng Senate Electoral Tribunal (SET) na nagbasura sa disqualification case laban kay Sen. Grace Poe ang magbibigay-daan sa pagtakbo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016 presidential elections.

“My candidacy for the presidency is now on the table,” ani Duterte kamakalawa ng gabi sa isang pagtitipon sa Dasmariñas, Cavite.

Tuwang-tuwa ang mga “Dutertista” nang ihayag ng alkalde na lalahok na siya sa 2016 presidential derby dahil ayaw niyang magkaroon ng pangulo ang Filipinas na Amerikano.

Ang pagnanasa ng publiko na maging presidente si Duterte ay phenomenal na ngayon lamang nangyari sa kasaysayan ng politika.

Ang klase ng liderato ni Duterte ang kailangan ng Filipinas lalo na’t ang tatlong sangay ng pamahalaan ay wala nang simpatiya sa kapakanan ng ordinaryong mamamayan.

May tsansa na ang mga Pinoy na maranasan sa bansa ang drug-free at crime-free na pamumuhay sa Davao City na isa sa pinakaligtas na siyudad sa buong mundo.

Mawawalan na ng puwang ang mga sangkot sa illegal drugs at mga protektor nila sa gobyerno kapag si Duterte ang naupo sa Palasyo.

Illegal terminal ni Ligaya ‘di uubra kay Duterte

MATINDING inspeksyon sa lahat ng mga sasakyan na pumapasok sa Davao City ang utos ni Duterte sa mga awtoridad.

Bunsod ito ng pagsabog sa isang pampasaherong van at pagkakasugat ng dispatcher sa Eco-West Drive.

Hinala niya, ang insidente ay posibleng dahil sa kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa illegal van terminals at insurgency.

May katuwiran si Duterte sa paghihigpit sa illegal van terminal, maaari kasing isakay sa mga pampasaherong van ang illegal na epektos, gaya ng droga, armas at mga pampasabog.

Ngayon pa lang ay tiyak na naglalakad na ng paluhod si Ligayang Bruha, ang reyna ng illegal UV Express terminal sa Lawton, para manawagan sa amo niyang Satanas na huwag sanang manalong presidente si Duterte.

Ano’ng sey kaya ni Bruhang Hukluban at ng kanyang manunulot, este, manunulat daw na si Ricky “Jane Salazar” Sungay, ngayong tuloy na ang pagsabak ng aking idolong si Duterte sa 2016 presidential race?

Gusto pang simutin ni Erap ang Maynila

NANGANGARAP pa rin si ousted president ar convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada na makahihirit pa siya ng isa pang termino sa mga taga-Maynila.

Kesyo kapos daw ang tatlong taon para sa implementasyon ng mga programang nasimulan niya sa Maynila.

Hindi lang niya masabi na hindi pa niya naibebenta ang lahat ng ari-arian ng lungsod kaya gusto pa niya ng tatlo pang taon sa Manila City Hall.

Sa mahigit dalawang taon ng administrasyon ni Erap, ang totoong ginawa ay ibinenta ang pitong pampublikong palengke, pinagbayad ang mga pasyente sa anim na public hospitals na dinatnan niyang libre, ipinagbili ang PNB Bldg., sa Escolta at Manila Zoo, itinaas ang amilyar nang 300%, isinapribado ultimo ang Lacson Underpass, kinikilan nang husto ang mga motorista, tsuper at illegal vendor.

Ipinagyabang pa ng sentensiyadong mandarambong na nabayaran daw niya ang ‘utang’ ng Maynila na P4.4-B kahit wala siyang ipinakikitang dokumento para patunayan ito o kung saan at paano nagkautang.

Teka muna, walong taon na siyang nabigyan ng pardon ni GMA pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa naibabalik ni Erap ang mahigit P300-M na ninakaw niya sa kaban ng bansa na ipinasasauli sa kanya ng Sandiganbayan?

Inilalako pa ni Erap ang gimik na “Rebolusyon Kontra Gutom,” na humihikayat sa pagtatanim ng gulay sa bakuran.

Kahit daw mga pader ay puwedeng gawin na hanging vegetable gardens.

Kung ang pagtatanim lang ng gulay ang nakikitang solusyon ni Erap sa kagutuman, naniniwala tayo na ang kanyang kukote ay lumiit nang husto dahil sa alak.

‘Di ba mas kapani-paniwalang mababawasan ang mga nagugutom kung ititigil na nila ang malawakang pangongotong sa mahihirap na vendor at drivers ng UV Express, jeep, bus, pedicab, kuliglig at sidecar sa Maynila na kailangan din kumain nang masarap kahit paminsan-minsan?

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: lapidfire_14@yahoo.com

About Percy Lapid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Firing Line Robert Roque

Ano na ngayon ang tingin ng mga botante kay Pulong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINABI ni Congressman Pulong Duterte na ipapa-“authenticate” niya sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *