Monday , December 23 2024

Pinay detainee sa Japan malapit nang lumaya

00 Kalampag percyNOONG February 1, 2001, isang kababayan nating Pinay na naninirahan sa Japan ang nabilanggo matapos mahatulan ng hukuman doon sa kasong pagpatay sa kanyang asawang Hapones.  

Siya si Annalie Agtay Mendoza (a.k.a. Annalie Sato Kawamura), nahatulan siyang mabilanggo nang 15-taon sa kasong pagpatay noong 1995 sa kanyang asawang Hapones na si Suichi Sato, 45-taon gulang.

Si Annalie naman ay 36-taon gulang nang siya ay mabilanggo at hangga ngayon ay nakapiit sa Saitama District Prison.

Sa hatol sa kanya ng Saitama District Court, si Annalie ay kinasabwat ng kanyang employer sa pagpatay sa kanyang asawa upang makuha ang malaking halaga ng insurance na umaabot sa halagang $2.2-M.    

Pero paniwala ng mga awtoridad, napunta lang lahat ang kabuuang halaga ng insurance sa isang Shigeru Yagi, ang amo at may-ari ng bar na pinapasukan ni Annalie. 

Hindi magtatagal, si Annalie ay lalaya na mula sa mahabang taon na pagkakabilanggo matapos pagdusahan ang parusang ipinataw sa kanya ng hukuman.

Isang kababayan natin na matagal nanirahan at nagtrabaho sa Japan ang tumawag sa atin upang mahanap ang mga magulang at pamilya ni Annalie dito sa ‘Pinas.

Pakiusap niya, tulungan siyang maipanawagan sa pitak na ito at sa ating programa sa radyo upang matunton ang kinaroroonan ng mga magulang ni Annalie at maiparating sa kanila ang magandang balita sa nalalapit niyang paglaya.

Sa pinakahuling impormasyon, ang mga magulang ni Annalie ay nasa Metro Manila pero walang sariling bahay kaya sa bangka lamang nanunuluyan. 

Humihingi tayo ng tulong sa sinomang maaaring nakakikilala at makapagbibigay ng impormasyon kung saan at paano matatagpuan ang mga magulang ni Annalie.

Isang malaking TV Network din sa Japan ang nais makapanayam ang mga magulang o sinomang malapit na kamag-anakan ni Annalie.

Nais itampok ng Japanese media ang malungkot na sinapit ni Annalie upang ang nangyari sa kanya ay hindi na muling maulit at sapitin ng iba nating kababayan.  

Natuklasan ng Japanese authorities na nagiging talamak sa kanilang bansa ang ganitong klase ng krimen na kung tawagin ay “murder for insurance.”

Naniniwala rin ang mga awtoridad sa Japan na si Annalie ay biktima rin ng mga pangyayari at ang mga Hapones na kumasabwat sa kanya para isagawa ang krimen ang nagkamal at nakinabang sa salaping nakuha mula sa insurance.

Tulungan po natin na muling magkita at magkasama-sama sina Annalie at ang kanyang mga mahal sa buhay.

Anomang impormasyon ay maaari pong itawag at ipagbigay-alam sa amin sa 8TriMedia Broadcasting Network (Landline Nos. 412-0288 at Cellphone Nos. 09773421644).   

Magkaisa kontra ISIS

“Ang pag-atake ng ISIS sa Paris ay isang signal para sa ating mga mamamayan na ang hangad ay kapayapaan na huwag maging  panatag sa banta ng ISIS.  Sila ay nag-aantay lamang ng isang magandang pagkakataon para maisagawa nila ang kanilang kabuktutan. Sila ay wala na sa hustong pag-iisip.  Do or Die na sila. Matindi ang kanilang poot sa maling ideolohiyang pinaiiral sa kanila.

Nararapat na talagang magkaisa ang lahat ng bansa na labanan ang ganitong kaparaanan ng ISIS. Hindi na makatao ang kanilang ginagawa. Lihis na sa pamantayan ng sibilisadong nasyon.

Ayon nga sa Vatican ang pag-atake nila ay ang pag-atake sa kapayapaan ng sangkatauhan.

Ngayon, narito sa ating bansa ang ilang mga lider sa Asia Pacific. Kailangang i-triple ng ating security forces ang seguridad ng mga bisita at maging ng buong mamamayang Filipino.  

Hindi bale magkaroon ng comment ang ilan lalo na ang mga militante na overkill, overacting o ano pang panlalait basta panatag tayo na secured na secured ang lahat. Huwag natin ipagwalang bahala ang pag-atake sa Paris kahit na ito ay malayo sa atin.  

Alalahanin natin na sa Mindanao ay merong kasapi ng ISIS kahit sila ay kaunti lamang ang bilang huwag din tayong pakasiguro.  

Manmanan ang bawat kilos at dakpin agad kapag may ginagawang kamalian.  Kahit ito ay maliit na bagay ay huwag ipasantabi.” <Maida A. Estrella/[email protected]>

Programang ‘Lapid Fire’ sa DZRJ-Radyo Bandido

PARA sa mga makabuluhang programa sa radyo, ugaliing makinig araw-araw sa mga pi-ling programa ng 8TriMedia Broadcasting Network sa makasaysayang himpilan ng DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz), mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas:7:00 ng gabi.

Ang ating programang “Lapid Fire” ay napapakinggan mula 9:00 am hanggang 10:00 am, Lunes hanggang Biyernes, at sabayang naririnig at napapanood sa buong mundo via live streaming sa: 8trimedia.com.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *