Monday , December 23 2024

Filipino si Grace Poe; DQ ibinasura ng SET

00 Kalampag percyIBINASURA na ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang disqualification case na kumukuwestiyon sa citizenship ni Sen. Grace Poe kahapon sa botong 5-4.

Ang SET ay isang Constitutional Body na binubuo ng tatlong mahistrado mula sa Korte Suprema at anim na senador.

Kabilang sa mga bumoto ng kontra sa inihaing kaso ng abogadong si Rizalito David ay sina Sens. Sens. Pia Cayetano, Loren Legarda, Bam Aquino, Cynthia Villar at Tito Sotto.

Ang mga bumoto naman sa disqualification ay sina Sen. Nancy Binay at ang tatlong mahistrado na sina Senior SC Associate Justice Antonio Carpio, SC Associate Justice Teresita Leonardo – De Castro at SC Associate Justice Arturo Brion.

Ibig sabihin, kinikilala ng SET na Filipino ang anak ni FPJ sa kabila na siya ay ‘foundling’ at kuwalipikado sa kanyang pagtakbo noong 2013 election bilang senador.

Pero kahit lusot na si Sen. Grace Poe sa SET, hindi pa tapos ang kanyang problema sa hiwalay na disqualification case sa Commission on Elections (Comelec) para sa pagtakbo naman niya bilang pangulo sa 2016 na may kaugnayan sa issue ng residency.

Abangan ang susunod na kabanata!

Ang mga nasa likod ng demolition job vs. Sen. Grace Poe

BAGAMA’T ang SET ay isang Constitutional Body, politika pa rin ang pinaka-sentido ng kanilang mga desisyon at hindi batay sa mga batas, kung ‘di sa paramihan ng boto na ang mayorya sa kanila ay mga politikong senador.

Nauunawaan natin ang boto ni Justice Carpio dahil umpisa pa lang ay nagpahiwatig na siya kontra kay Sen. Grace Poe at siya rin ang isa sa mga naghain ng disqualification case laban kay FPJ sa pagtakbo bilang pangulo noong 2004.    

Pero dapat mapansin ang boto ni Sen. Nancy Binay na sumasalamin sa posisyon ng kanyang amang si VP Jojo Binay, isa sa matinding kritiko na bumabatikos kay Sen. Grace Poe matapos tanggihan ang alok na maka-tambal bilang bise sa ilalim ng partido UNA.

Ito ang magpapatunay na mali at malisyoso ang mga paratang na si dating DILG Secretary Mar Roxas at Liberal Party ang nasa likod ng mga pagsasampa ng disqualification case at paninira laban sa senadora.

Ang tumatayong abogado ni Rizalito David na si Manuelito Luna pala, ating napagalaman, ay dating staff sa Senado noon ni former Senator Francisco “Kit” Tatad na kilalang kaalyado nina VP Binay, ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada at Sen. Juan Ponce Enrile sa UNA.

Hind ba’t isa si Tatad sa mga lantarang bumabanat at kumukuwestiyon sa pagtakbo ni Sen. Grace Poe?

Si David naman ay kabilang sa mga tumakbong senador sa ilalim ng partido nilang Kapatiran, kasama ang isa sa masusugid na tagatahol ng pamilya ni VP Binay na si Atty. JB Bautista.

Sina Justice De Castro at Justice Brion ay kasama sa labing-isang mahistrado ng Korte Suprema na bumoto para paboran ang pagtakbo ni Erap na alkalde sa Maynila noong 2013 kahit malinaw na habambuhay nang disqualified kumandidato at humawak ng anomang puwesto sa gobyerno.

Ang kahindik-hindik, si De Castro ay kabilang sa mga mahistrado ng Sandiganbayan na humatol ng parusang habambuhay na pagkabilanggo kay Erap kasama ang accessory penalty na perpetual disqualification from holding any public office dahil sa kasong plunder o pandarambong.    

Kamakailan, nakisawsaw rin ang “Johnny Come Lately” na abogadong si Amado Valdez at naghain ng sarili niyang disqualification case para hadlangan si Sen. Grace Poe na makatabong pangulo sa 2016.

Si Valdez ay kilalang apologist ni Erap, naitalaga at naluklok siya na Board of Regent sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) pagkatapos ng 2013 elections.

Kaya malaking kagaguhan nang matatawag kung ipagpipilitan pa ang mga paninira at paratang laban kay Mar Roxas.

Ngayon alam na kung sino-sino ang mga nasa likod ng “demolition job” laban kay Sen. Grace Poe.

‘Lapid Fire’ sa DZRJ

PARA sa mga umuusok na balitaktakan sa mga napapanahong isyu, ugaliing makinig araw-araw sa mga makabuluhang programa na ipinagmamalaki ng 8TriMedia Broadcasting Network sa makasaysayang himpilan ng DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz), mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas:7:00 ng gabi. 

Ang ating programang “Lapid Fire” ay napapakinggan mula 9:00 am hanggang 10:00 am, Lunes hanggang Biyernes, at sabayang naririnig at napapanood sa buong mundo via live streaming sa: 8trimedia.com.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *