Sunday , December 22 2024

NBI employee, negosyante nagbarilan, 1 patay, 1 sugatan

ILOILO CITY – Pinasusuko ni National Bureau of Investigation (NBI) Reg. 6 Dir. Atty. Mario Sison ang kanilang contractual employee makaraang barilin at mapatay ang isang negosyante sa music bar sa Smallville Complec, Mandurriao, Iloilo City kamakalawa.

Sinabi ni Atty. Sison, tumawag sa kanya ang suspek na si Mark Blancaflor ng Jaro, Iloilo City, at nagsabi na susuko siya ngunit hindi na makontak.

Ayon sa ulat ng pulisya, nang lumabas sa comfort room ang biktimang si Tammy Robiso nang makita ang suspek na inaakbayan ang karelasyon niyang babae.

Nagalit ang biktima at bumunot ng baril saka hinataw nito ang suspek.

Bumunot din ng baril ang suspek at pinagbabaril nang pitong beses ang biktima.

Napag-alaman, may isa pang sibilyan sa lugar na sugatan makaraang tamaan ng bala.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *