Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard, ‘di bitter sa ‘di pagkakasama sa PBB Top 4

111615 Richard Juan pbb
HINDI bitter o masama ang loob ni Richard Juan na hanggang Top 6 ang inabot niya sa Pinoy Big Brother 737. Kahit mahaba ang pag-stay niya sa PBB house kOmpara kay Tommy Esguerra na nakasama sa Big 4.

Naniniwala rin siya na ‘destiny’ ni Miho Nishida na maging big winner. Sa first week pa lang ay nominado na for eviction si Miho pero nakarating siya hangang dulo.

Malaking exposure rin kay Richard ang pagiging housemate ng PBB dahil nagmarka rin siya sa mga tao. Marami na ang nakakikilala sa kanya dahil sa PBB.

At sa outside world, pinatutunayan na rin niya ang kanyang talents lalo na sa hosting. Excited siya na humarap sa isang malaking concert, ang The Big One: All Star Concert sa November 27, 8:00 p.m. sa Ynares Sports Arena dahil siya ay magiging host. Ito’y produced ng Philippine Red Cross-Rizal Chapter, at presented ng The Aqueous Events Management.  Ang proceeds ng konsiyerto  ay mapupunta sa Disaster-Preparedness Programs at Capacity-Building Initiatives ng Philippine Red Cross-Rizal Capter. Ito ay isang paraan ng PRC para pantulong sa mga kapwa Pinoy na maka-e-encounter ng human challenges tulad ng bagyo, lindol, at iba pang sakuna.

Kasama rin sa konsiyertong ito sina Erik Santos, Richard Poon, Daryl Ong, Markki Stroem, Arron Villaflor, Richard Juan, Mikee Agustin, Suy Galvez, Moira Dela Torres, Upgrade, Bassilyo, Zendee Tenerefe, Monterozo Twins,Yexel Sebastian, Liezel Garcia, Gail Glanco-Viduya, Brenan Espartinez at marami pang iba.

Mabibili ang ticket sa SM Tickets outlets nationwide o tumawag sa 4702222.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …