Thursday , December 26 2024

City treasurer hindi naniniwalang bangkarote ang Maynila noong 2013!

00 Kalampag percy
MISTULANG sirang plaka kung ingawngaw ng administrasyon ngayon na bangkarote ang Maynila.

Pero para kay Manila Mayor Alfredo Lim, wala siyang dapat ipaliwanag sa mga paninira laban sa kanya na malimit ipangalandakan ni Erap.

Ang administrasyon ngayon ang dapat magpaliwanag o sumagot sa kanilang paratang na bangkarote raw ang kaban ng Maynila nang lisanin ni Mayor Lim ang City Hall.

Katunayan, kailangan nilang ipaliwanag sa mga Manileño kung bakit paulit-ulit nilang ipinagdidikdikan na bangkarote ang Maynila, gayong mahigit isa at kalahating bilyong piso ang pondong naiwan ni Mayor Lim bago siya bumaba noong July 1, 2013 bilang alkalde.

Pinatutunayan ito ni Liberty Toledo, city treasurer ngayon, na nagsisinungaling ang nga nagsasabi nito sa nilagdaan niyang dokumento noong July 5, 2013 na mahigit sa P1.5-B ang naiwang pondo sa kaban ng lungsod nang bumaba si Mayor Lim sa puwesto.

Kaya mismong si Toledo ang nagpapatunay na nagsisinungaling ang nagsasabing bangkarote ang Maynila noong pagbaba ni Mayor Lim

SOJ Caguioa, nakabibilib; raket sa BI binabantayan

HINDI umubra ang ‘angas’ ng dispalinghadong pamumuno ni Bureau of Immigration Commissioner Siegfred Mison nang utusan siya ni Justice Secretary Alfredo Caguioa na palayain ang Korean businessman na si Kang Tae Sik.

Bukod kasi sa nilumot na ang kasong bouncing check laban kay Kang ay napagsilbihan na niya ang hatol ng hukuman.

May apela pang nakabimbin si Kang sa DOJ laban sa inilabas na warrant of deportation ng Bureau of Immigration kaya hindi pa ito pinal, na sa madaling sabi ay hindi puwedeng ipatupad.

Dapat pala ay noon pa naluklok na kalihim si Caguioa para matagal nang nasupil ang mga kawalanghiyaan sa bakuran ni Mison at iba pang attached agencies ng DOJ.

Bagatsing at Fernandez dapat nga bang imbestigahan sa STL cum ‘jueteng’ ni Kabayo?

MARAMI ang natuwa sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa multi-bilyong anomalya sa small town lottery (STL) ng PCSO.

Ayon kasi sa NBI aabot sa P50-B ang nawawala sa kaban ng bayan dahil ang  STL ay prente lang ng gambling lords sa kanilang jueteng operations.

Sabi pa ng NBI, ang Pirouette Inc., na isang STL franchisee nasinabing  pag-aari ni ‘Kabayo’ay ginagamit na ‘front’ upang maitago ang jueteng sa lalawigan ng Quezon.

Gumagamit daw ng dobleng ticket ang Pirouette sa pagkubra ng taya kaya ang suspetsa ay hindi naitatala ang lahat nang kinikita ng operasyon nito.

Bukod, dito, matapos gamitin, ibinabalik muli ang mga tiket sa mga ahente kaya’t walang paraan upang ma-audit ang kita ng operator.

Wala ring Point-of-Sale terminal o POST, at mga ‘papelitos’ lamang ang gamit ng mga ahente upang kumuha ng taya.

Lumabas din sa report na may ilang mga menor de edad pang kumukubra ng taya na ginagamit ang Pirouette Inc., na mariing ipinagbabawal sa ilalim ng batas.

Bantog sa tawag na “Eddie Kabayo” ang Jueteng King ng Southern Tagalog at “mister” ng Jueteng Queen na si Charing Magbuhos.

Pero higit na nakagugulat ang “wonderful courage” nina Manila 5th District Rep. Amado Bagatsing at Laguna Rep. Dan Fernandez nang kuwestiyonin ang basehan ng report ng NBI na dinaya ng STL operators ang gobyerno ng P50 bilyon.

Hindi raw dapat pinalaki ng NBI ang isyu dahil usapin lang ito nang pagpapatupad ng mga regulasyon sa halip na isang krimen.

Hindi kaya sa tumbong nakatago ang “sentido-kumon” nina Bagatsing at Fernandez?

Ang jueteng ay illegal numbers game, puwes, kapag sangkot sa krimen ang isang tao, kriminal siya.

Kung ang STL na lehitimong sugal ay ginawang prente ng illegal na jueteng, krimen ito dahil sa halip na sa kaban ng bayan mapunta ang P50 bilyong kobransa ay sa bulsa ng gambling lords ito napadpad.

Hindi ba economic sabotage ang tawag diyan?!

Kung ganyang klase ang katuwiran nina Bagatsing at Fernandez, mas lalong dapat palawakin ng NBI ang imbestigasyon sa STL at isama na ang mga protector ng mga jueteng at gambling lord.

Totoo  ba ang napapabalitang si Eddie Kabayo ay laging kasama umano ni Bagatsing sa casino habang may operasyon ng jueteng sa Laguna na kinakatawan ni Fernandez sa Kongreso?!

Itatanong pa ba kung ang campaign funds nila ay galing kay Eddie Kabayo?

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *